CHAPTER 39

3K 69 10
                                    

“ACHOO!”

Ayyyy nako naman. Nagising ako sa sipon ko. Huhu.

Sinubukan ko namang tumayo sa kama ko. HAAAYYYY ang sakit ng likod ko ah?

Nang kusutin ko naman yung mga mata ko, parang…parang may napansin akong mali.

O_O

Teka lang. BAKIT AKO NANDITO SA SOFA???!!!!

Pagkatingin ko naman sa may bandang paanan ko, nakita ko yung ulo nitong si TOP. Tulog pa din.

ANONG….???!!!

Tinignan ko naman kung andito pa si Miss Graciel. Pagkatingin ko sa orasan, mga 10 am na. NAKO WALA NA YUN! Hindi kaya….hindi kaya nakita niya kami ditong dalawa???

NAKO POOOO! Baka kung anong isipin ni mam ah???? Dahan-dahan naman akong umalis sa sofa, baka kasi magising si Halimaw. Saka, bat kasi dyan siya natulog?! EH MAGKAKASTIFF NECK YAN OH!

Tatayo na sana ako ng may humawak sa kamay ko.

“AY PALAKA!!!!”

Napatalon naman ako ng di oras. PUSO KO PO!!! PUSO KO!!!!

Pagkatingin ko naman, putakte. Si TOP pala. Jusko naman!!!!

“Tsk. Ang ingay.”, pagkakamot naman niya ng ulo.

O_O

MEEEHHHH BAT GANUN ANG….gwapo pa rin kahit bagong gising. -____-

“Maghilamos ka na. Laway mo oh.”, pagngingiti naman niya.

O_O

WAAAAHHHHHHH hinawakan ko naman yung bibig ko. JUSKO NAMAN MAY nanigas ngang laway!!!  T^T

Agad naman akong tumakbo sa banyo at naghilamos ng mabuti. Huhu sa lahat pa ng makakakita yung halimaw pa! Eh aasarin ako nun eh!!! T_____T Nakakahiyaaaaaa!!!!

Siguro mga 15 minutes ako sa banyo para macheck kung ayos na ba talaga ang hitsura ko. Whew. Okay na yan, nakapagsuklay na din ako. Keribels na to!

Paglabas ko naman, buti wala na si TOP dun. Niligpit ko na lang yung bed sheet at unan dun sa sofa na sa tingin ko naman ay sa kanya. Papasok sana ako dun sa kwarto niya kaya lang naka-lock na. Hmmm…baka natulog ulit yun ah?

Ay bahala na. Naligo na lang ako at nagbihis na rin. Syempre, sinuot ko yung clip na bigay sakin ni Clyde. Yan, okay na ko. Pagkababa ko naman, biglang may kumatok sa pinto. Agad agad naman akong bumaba at pagkabukas ko nga, bulaklak na muka yung nakita ko.

Ay este, taong nakatakip yung ulo ng bouquet of flowers…..Sino…to?

“Hi Athena.”

Pagkaalis nung mga bulaklak sa muka niya, ngiting ngiting si Clyde ang sumalubong sa akin.

O_O

“Clyde?? Ano na namang ginagawa mo dito?! May pasok kaya!!!”

“Wala po kaya. Kakasimula lang ng Foundation week. Mr. and Mrs. ROA po kasi ngayon.”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now