THE FINAL :)

2.3K 66 6
                                    

“Asan po si TOP?”, pagtatanong ko dun sa attendant na kasama naming kanina sa eroplano.

Nakarating na kasi kami sa isang island. Di ko alam kung san actually. Dapat talaga kasi tatanungin ko si TOP eh kaya lang ang loko, hindi sumabay sakin. Mas maaga daw flight niya, kaya magkita na lang daw kami pagdating ko sa venue.

“I’m sorry, who?”, sagot naman ni ate attendant.

Ay. Oo nga pala. Di siya kilalang TOP dito.

“Si Theodore Ramisses po. Asan po siya?”

“Ohh. He will be here any minute now, miss Athena.”, pagngingiti naman niya sakin.

Any minute daw. Eh halos kalahating oras na kami andito naghihintay. -____-

Maglalaro na dapat ulit ako sa phone ko ng biglang nagsihilera yung mga staff sa harap. Hala? Anyare sa kanila?

Pagtingin ko naman dun sa may bandang dulo, nakita kong may isang lalaking naglalakad na patungo sa direksyon ko.

O__O

Nakashades man siya, hay. Alam na alam ko na kung sino to eh.

Punyemas naman. Kagwapo naman ng boyfriend ko.

Ay wait….di pala. HINDE. Di ko to boyfriend. -_____-

“What are you waiting for? Let’s go.”, pag-aabot niya nung kamay niya sakin.

“Uh-uhhh, okay sige sige!”

Kinuha niya naman yung bag ko at hinila na nga yung kamay ko kung papunta san. Pagkalabas naming dun sa paliparan, nakita ko yung Mercedes nilang kotse at ayun, dun na nga kami sumakay.

“How was your flight? Did they attend to you nicely?”, tanong naman agad ni TOP.

“Ha? Uhh…oo naman. Ang bait nga nila sakin eh.”

“Good. No one’s going to be fired then I guess.”

O___O

Fired???

Tatanong ko sana kung anong ibig niyang sabihin ng biglang may tumunog na phone. Kinuha naman agad ni TOP yung kanya at sinagot niya nga yung tawag.

“Yes, ma. Athena just got in…..”

“Don’t worry ma. I’m on my way…..”

Pagkababa niya ng phone, may kinuha naman siyang parang envelope dun sa bag na pinaabot niya sa driver. Puro papel yung laman, kaya di na ko nagtanong. Agad agad naman niyang nilabas lahat ng yun at nagsimula na siyang magbasa ng pagkabilis bilis.

Natitigan ko lang tuloy si TOP. Ni minsan hindi ko pa siya nakitang gantong kaseryoso. Yung hahawak siya ng papel tas magbabasa. Kadalasan kasi pag libro sa school yung binabasa niya hindi naman kumukunot yung ulo niya ng ganto. Lagi niyang sinasabing madadali lang naman yung lessons namin.

“What?”, narinig kong biglang tanong ni TOP.

“H-ha…?”

Tinigil niya muna yung pagbabasa niya tas tumingin siya sakin.

“Why are you staring? Do you need something?”

“Uhh…wala wala. Sige basa ka lang.”, pagsusubok kong pagngiti dito.

“Hmm…Okay.”

Bumalik nga siya sa pagbabasa. Uhhh….bago to ah. Bat di niya ko kinulit kung meron ba talagang gumugulo sakin? Di naman siya gantong kadaling sumuko ah?

Hmmm…siguro nga busy lang siya.

Pagkarating namin dun sa lugar, namangha naman ako agad. Ang ganda nung dagat, dagdag mo pa yung ‘floating cabins’ na overlooking dun nga sa dagat. WAAAHHHH.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon