CHAPTER 47

2K 67 5
                                    

Nagtitigan kaming tatlo doon ng parang walang bukas. New Year na new year, parang hindi ata maganda ang pasok ng 2014 ko.

Inimbitahan ako ni mama sa labas para kumain. Nang sunduin niya ko sa school, nagulat ako ng naka-kotse pa siya at may kasama siyang lalaking nakutuban ko na ng masama.

“Athena anak…ito si Mr. Lim Kim. F-fiance ko….”, halos pabulong na sabi sakin ni mama.

Inabutan naman ako ng kamay nung Mr. Kim. Basta, ang alam ko lang sa kanya, boss siya ng nanay ko. Kagulat-gulat naman na FIANCE na siya ngayon.

“Lim Kim? Bakit dalawa apelyido mo?”

Pinalo naman ni mama yung kamay ko.

“Ahh hehe, nagbibiro lang yang anak ko. Limuel kasi ang pangalan niya, Athena. LIM-uel.”, panlalaki ng mata sakin ng nanay ko.

“It’s okay Alicia. Naiintindihan ko namang….she’s still in shock.”, sabi nung boypren ni mama.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

“Pasensya ka na iha at ngayon ka lang namin nasabihan. Ang totoo niyan, I wanted to tell you the very first time we were dating….pero sabi ng mama mo eh, we needed to wait for the right time….”

“Mawalang-galang na ho ano…nagpapasalamat po talaga ako sa scholarship kong binigay niyo sakin sa WAR…pero, sigurado na po ba kayo sa desisyon niyong pakasalan ang nanay ko???”

Minata-mata na naman ako ni mama pero di ko siya pinansin. Siya lang naman ang iniisip ko eh. Ayoko namang masaktan na naman siya tapos lilipat na naman kami. Saka, iba na kasi ngayon. May kasal ng pinaguusapan. Kailangan kong makasigurado.

“I can assure you, that I love your mom very much. I could see a future with her and I don’t want to waste time anymore….that’s why I asked for her hand in marriage.”

Tinignan ko naman si mama. Parang nangungusap ang mga mata niya na bigyan ko nga ng pagkakataon tong boss niya. Napabuntong-hininga naman ako.

“Pwede po bang….iwan niyo po muna kami ni mama?”

Ngumiti na naman siya sakin at tumayo na nga siya.

“Of course.”

Pagkaalis ni Mr. Kim, lumipat ako dun sa tabi ni mama. Hinawakan ko yung kamay niya at tinignan ko siya ng maigi. Ang gara ng nanay ko eh. Maganda na siya manumit ngayon. Inlababo talaga.

“Mama….mahal mo ba yung mokong na yun? Baka naman….scholarship ko lang iniisip mo kaya magpapakasal ka dun.”

“Ano ka ba naman! Ganun ba kacheap ang tingin mo sa mama mo?!”, pagpapalo niya sakin sa braso.

“Aray naman! Syempre hindi….kaya lang, alam ko namang gagawin mo ang lahat para sakin eh. Ikaw pa…”

Napayuko man ako pero alam kong ngumiti si mama. Hinawakan niya yung pisngi ko at tumingin siya sakin ng diretso.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now