CHAPTER 38

3K 67 5
                                    

Clyde’s Point of View

“WAAAHHHHHHH HINDI KO MAHANAP YUNG JT ALBUM KO!!!!!! ASAN NA BA YUNNNN????!!!!”, pagrereklamo nitong si Brent.

Kanina pa kasi niya yun hinahanap. Simula nung dumating ako, naghahalughog na siya ng mga gamit niya para sa album na yun. Favorite niya kasi si Justin Timberlake. Minsan nga pag lasing yan, akala niya siya si JT.

“Baka naman namisplace mo lang. Mata kasi panghanap mo, wag bibig.”, naiinis ko namang sabi dito.

“Aysh. Kung tumutulong ka eh no? Edi maganda!”, pagdadabog pa niya.

Hindi ko na lang pinansin. Wala talaga kasi ako sa mood ngayon. Hawak hawak ko pa rin yung pink na box, nabasa na nga sa bulsa ko eh. Siguro masyado na kong nakatulala ng pumitik sa harap ko tong si Brent.

“Huy! Sabi ko, anong problema mo?! Kanina ka pa dyan nakanga-nga ah.”

Humiga na nga lang ako dun sa sofa. Tinakpan ko yung mata ko ng braso ko pero makulit tong si Brent. Pinalo niya ko ng unan.

“ARAY! Ano ba?!”, reklamo ko dito.

“Parang hangin ang kausap ko ah??? Di mo ba ko narinig???”

Napahinga na lang ako ng malalim. Tsk.

“Basted eh.”

Nanlaki naman yung mga mata sakin nitong si Brent. Tumabi naman siya sakin na parang linta kung makadikit.

“BASTED???!!! May nililigawan ka na????”

“Sana.”

“HA? Anong sana? Eh bakit basted na agad???”

Bakit nga ba? Hindi ko namang mapigilang maalala ulit yung nangyari kanina.

I was so desperate to find Athena first. Halos ang bilis bilis ng takbo ng puso ko dahil nga sa kagustuhan kong ako ang unang makahanap sa kanya. Ni wala akong nilagpasang kanto. Lahat yun hinalughog ko. Kahit anong lakas ng ulan, hindi ako nagpatalo.

Hiniram ko pa nga yung bisikleta ni Kuya guard eh para mabilis kong maikot yung lugar. Pero kahit nakarating na ko sa dulo, wala pa rin. Di ko siya nakita. Naisip ko ding bumalik. Baka kasi, sumuko na si Athena at bumalik na nga lang sa bahay. Kaya dinalian ko na.

Ang bilis bilis na ng takbo ko ng nakita ko yung likod ni TOP.

Tapos…kaharap niya si Athena. Nilalagyan niya ng jacket.

O_O

Napahinto naman ako. Halos matunaw ako dun sa sobrang panghihinayang. Hindi ko maiwasang isipin na kung pano kung ako yung unang nakakita sa kanya. Bakit palaging dapat si TOP? Hindi ba pwedeng…ako naman?

Nilabas ko yung kahon na ibibigay ko dapat kay Athena. I was thinking if I did find her…masasabi ko na sa kanya yung totoo. But right there, my dreams shattered. Sa isang iglap lang…nawala na yung confidence ko.

I tried not to look at them anymore. Bumalik na lang ako sa bahay at naisip ko ngang kunin na lang yung kotse ko at bumalik na lang sa WAR. Pero ewan ko ba. Sa huli, mas pinili ko pa ding saktan yung sarili ko. Mas pinili kong puntahan sila at sunduin na nga lang si Athena. Di ako mapalagay eh, malakas pa naman yung ulan.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now