CHAPTER 32

3.1K 55 3
                                    

“Congrats nga pala sa engagement ha? Kelan ang kasal???”, pang-aasar pa nitong si Brent.

Aba eh binatukan ko nga. Buti sana kung wala si Kian dito eh, nagpumilit pa namang sumama samin dito sa cafeteria. Pano kasi, kinalat nung prof namin sa Theology na Best Project kami ni Kian. Yung sa Matrimony ek ek? AYUN! Pinakita ba naman sa buong batch ng 5th year. T^T

“Eh Kian, ikaw ng bahala kay Athena ha? Nako, matindi pa naman yan. Wag ka paa-under!!!”, dagdag pa ulit ni Brent.

Hindi na talaga ako nakapagpigil at sinabutan ko siya. Magkatapat naman kami ng upuan at kailangan ko pang tumayo para maabot ang bwisit niyang buhok.

“HINDI KA BA TALAGA TITIGIL HA???!!!”, pagyuyugyog ko pa sa ulo niya.

“A-Athena…hey, tama na nakakaawa na si Brent.”, parang natatawa namang pag-aawat ni Kian.

Hinila niya nga ako palayo dito kay Brent hinayupak at sinubukan kong magpalamig. Nakakainis kasi talaga tong pandang to eh! Alam ng may something pa tong si Kian sakin, eh di lalo lang o-awkward yung sitwasyon namin. T^T BAKIT BA KASI AKO PUMAYAG NA PARTNER SI KIAN DIN EH. -____-

No offense naman, pero kasi super awkward. Ayoko ng ganto. Friends na kami eh. Huhu.

“Eto naman, syempre natutuwa lang ako sa inyo, best project ata kayo no!”, pambawi na lang ni panda.

“Ewan ko sayo. Sana mabilaukan ka.”

Susubo n asana ako nung pansit kong binili ng biglang may lumapit saming mukang stewardess. Binigyan niya kami ng tig-isang mamon at ngumiti naman siya samin pagkatapos. Ang pansin ko lang, pink yung akin, sa kanila ni Kian at brown.

“Uhh, miss? Libre ba to?”, tanong ni Brent.

“Ah YES SIR! Today kasi is the oath taking of Mr. Joshua Ramisses. Those are FREE for all!”, ngiti pa ni girl.

“Ahhh…bat pink yung akin?”

“Yes mam, kasi iba po ang sa female at male. Sige po, make sure you attend the assembly in the gym ha!”

Pagkaalis nung todo smile na babae, agad agad namang nilamon ni Brent yung mamon niya. Hala? Kawawa naman to hindi pa ata nakakain ng mamon.

“Pwe! Ano ba to! Walang lasa!”, reklamo ni panda.

“Ok naman ah?”, panguya-nguyang sabi ni Kian.

Syempre, tinry ko yung akin. Hmmm…ayos lang. Lasang mamon.

“OA nito, buti nga nagpamigay si Josh nito eh!”, sabi ko na lang kay Brent.

“SUS. Palagay niya satin? PG???”, sagot naman ni Brent.

Nagtinginan naman kami ni Kian at pareho kaming natatawa dito kay Brent. Tignan mo to kung magsalita, siya tong mukang sabik na sabik sa mamon eh.

Habang nagrereklamo pa din tong si Brent ay biglang dumating naman si Clyde. Umupo siya sa tabi ni Brent at pinisil niya to sa pisngi.

YYIIIIEEE.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now