CHAPTER 31

3K 59 4
                                    

Clyde’s Point of View

“Uy, Clyde. Leader daw!”

“H-ha?”

Aysh. Kanina pa ata akong nakanga-nga ah. Tumayo na lang ako at lumapit dun sa Science prof namin at kinuha yung nakaassign saming task. Bakit ba kasi lagi akong naaassign na leader eh. Dati gusto ko pa, pero ngayon na madami na kong problemang iniisip hindi na nakakatuwa.

Mabuti na lang at madali lang yung binigay samin. Syempre, tinapos ko nan g maaga. Wala na kong paki kung hindi naman tumulong yung iba kong kagroupmates. Ano bang aasahan ko dyan?

Tumingin naman ako uli sa kinauupuan dapat ni Athena. Since lumipat nga siya sa Carthaginians, hindi ko pa rin talagang magawang hindi mag-alala. Nabanggit din kasi ni Brent na ilang klase na ang iniiskip ni Athena. Malapit na kasi ang deadline na binigay ni Mrs. Blimey.

“Mam, may I be excused?!”, dali-dali kong lapit sa prof.

“Diba may pinapagawa pa ko?”

“Ah eto na po mam. Okay na po yan. Sige po!”

Tumakbo na nga lang ako palabas at hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin pa ni mam. Nag-aalala na talaga ko kay Athena. Saka, gusto ko ring tumulong.

Pagkarating ko sa office, nagulat naman ako ng nakita kong wala si Miss Graciel. Sinilip ko lang yung babaeng nakalugmok yung ulo sa desk ni mam. Nakatakip kasi yung buhok kaya di ko mamukhan.

Sinubukan kong iusog yung buhok niya at hayun, si Athena nga. Natutulog ata.

“Uhh…Athena…?”

Hindi siya sumagot. Tsk. Tulog nga.

“Kita mo to. Nag-alala lang pala ko sa wala.”, sabi ko na lang sa sarili ko.

Umupo na lang muna ko sa may tabing upuan at tinignan ko yung mga papeles na nasa desk. Puro mga records ng security at captures ng CCTV ang nakikita ko. May nahanap na kaya silang makakatulong sa kaso niya?

Hmmm….napatingin din naman ulit ako kay Athena. Ang himbing lang ng tulog. Sa palagay ko, wala pa tong tulog eh. Kakaisip sa kaso niya….dagdag mo pa yung gagong TOP.

Sinubukan kong huwag mapuno ng galit sa panahon ngayon. Whew. Kalma Clyde. May karma din yung TOP na yun. Bilib nga din ako kay Athena eh. Hindi na siya yung tipong lulugmok kagaya nung nangyari kay Kian dati….

Tempted akong hawakan siya sa mukha.

Tsk. Ano ba to. Bat ako kinakabahan? Ang bilis bilis ng pintig ng puso ko. Hahawakan ko lang naman yung muka niya ah….

Siguro sa halos isang taon ko ng nakasama si Athena, ngayon ko lang siya natignan ng gantong kalapit. Well, wala din naman akong pagkakataon noon….I was always keeping my guard on her. Pero, iba na kasi ngayon.

The more I look at her, nahuhuli ko na lang ang sarili kong napapangiti. Ngayon ko lang din napansin na…she’s actually…uhm…ano, pretty. I mean, maganda na naman siya dati pa sa paningin ko kaya lang, I’ve never admired her this way. Parang, yung paligid ko biglang naging madilim. Like she was just the only one I could see….

It’s funny kasi…this was the exact feel I got when I first met Faye….

Ilalapat ko na sana sa pisngi niya yung kamay ko ng biglang bumukas yung pinto.

“MISS GRACIEL!”, nabigla kong sigaw.

Aksidente ko namang nababa sa mukha ni Athena yung kamay ko. Malakas ata yung impact na parang nasampal ko na din siya. Ayshit. -_-

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now