CHAPTER 14

3.9K 70 6
                                    

“Balita ko, may alibi na daw kayo.”

Gusto ko ng matunaw sa kinauupuan ko ngayong kaharap ko na ang mama ni Joanna. Mas gusto ko pa na pumasok na lang sa mga subjects ko kesa masangkot sa gantong kaso. Hindi rin naging maganda ang patutungo niya sakin dahil sa mga nalaman niya na hindi nga kami magkasundo ng anak niya. Mas lalo naman yun dumagdag sa hinala niya sa akin.

Hindi na pinayagan ni Miss Graciel na sumama pa si TOP, pero si Clyde, pinayagan niya. Nagpumilit kasi to na may kaya siyang itulong sa akin kaya napa-oo na lang si mam. Pero ngayong kaharap ko pa si Mrs. Blimey, parang wala rin na sumama pa sakin si Clyde. Nakakapanliit talaga.

“Opo. Pero po bago ang lahat….sana po ay maintindihan niyong, wala po talaga kong kasalanan dito.”, lakas-loob kong sabi.

“Hindi mo ko masisisi, iha. I was asking for info tungkol sayo and they’re all saying that you’re not in good terms with my son! Anong gusto mong isipin ko?”

Napayuko na lang ako. Ayoko namang makipagtalo pa sa mas nakatatanda lalo na kung anak niya ang pinag-uusapan. Medyo tinatry ko naman siyang intindihin.

“Uhm… I guess we should start with your alibi, Athena.”, pagsisingit ni mam.

Ayun na nga. Kinwento ko lahat sa kanila simula noong gabing pumunta nga ako sa room ni Brent hanggang sa nahimatay ako nung nakita ko yung katawan ni Joanna sa banyo na parang nasa bingit na siya ng kamatayan. Nang nakatapos na ko, agad naman akong sinalo ni Clyde.

“I can prove to you she’s innocent, mam. I asked our maintenance personally about her room’s water condition and sabi nga po nila ay wala pang tubig sa kwarto niya nung mga oras na yun, na tumugma naman sa kwento ni Athena. Plus, the door was left open as witnessed by TOP. Ibig sabihin, she really went to the bathroom at around dawn, kung san nakita niyang si Joanna ay nakalatay na.”, dagdag ni Clyde.

“Fine. If she wasn’t the culprit, sino ang gagawa nito sa anak ko???”, pagtatayo na ni Mrs. Blimey.

Agad namang umaksyon si Miss Graciel.

“Kinausap ko na po ang security team tungkol dito. They will be capturing the tape galing sa CCTV nung gabing yun at sabi nga po nila ay mailalabas nila to the day after tomorrow. We just have to wait until then.”, pagpapaliwanag ni mam.

Bakas mo sa muka ni Mrs. Blimey ang pagiging desperada. Wala naman akong masabi para i-comfort siya. Hindi din kasi nakatulong ang pagsususpetsa niya sa akin.

“Okay. I’ll leave then.”

“Uhm, wait po!”, pagpipigil ko dito.

Lumapit naman ako sa kanya at kinapalan ko na nga ang muka ko.

“Kung pwede po sana….gusto ko pong makita si Joanna.”

Tumingin lang siya sakin, pero at least…wala naman bahid ng galit o ano.

“Miss Graciel, ako na ang maghahatid sa kanya pabalik dito.”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now