CHAPTER 34

3.2K 74 6
                                    

Siguro mga ilang araw ko ding iniwasan si TOP. Bawat araw, ganun na lang ang gawi namin. Kakain, tutulog, magpapahinga. Ako naman, habang iniiwasan ko siya, nagbabasa din ako ng mga lessons na kinukuha ni Miss Graciel sa mga prof ko. Thankful naman ako kasi kahit wala ako sa school, at least, makakahabol ako sa mga lesson namin. Natuwa din naman ako kasi, nagpapadala si Clyde ng photocopy ng notes niya.

Syempre, tuwing uuwi si Miss Graciel, dalawa lang ang pagpipilian niyang makakausap. Ayoko kasing pareho kami ni TOP na andun sa sala at maguusap na para bang wala kaming problema. Ayoko maging plastic ano.  Nung ikaapat na araw lang, mabuti naman at nalutas na yung recent case ko. Wala daw kasing matibay na ebidensya na ako nga ang nagcause ng sunog kaya hinayaan na lang nila. Pero hanggang ngayon, walang may alam kung sino ang nagpasimula nun. At least, di na ako (ulit) ang pinagbibintangan.

At dahil nga ako lagi ang kinakausap ni mam tungkol sa mga kaso ko, nalaman kong pag oras ko ng magpahinga, dun lang nakikipagusap si TOP kay mam. Narinig ko kasi nung isang gabi na parang may nagtatawanan. Pagsilip ko sa baba, nakita kong andun sila ni TOP at Miss Graciel sa dining, may pinaguusapang hindi ko na naman alam AT! Nakakatawa pa. Lalo tuloy akong nacurious.

Ngayong gabi, wala si mam. Nagovertime daw siya at aayusin pa niya ang report niya sa board bukas. Kaya andito ako ngayon sa kwarto, nanunuod na lang ng TV.

“Ano ba yan puro PDAF, PDAF, PDAF. Bat ba kasi puro magna dito sa Pilipinas eh?!”

Oo, pati puso ninanakaw.

Nilipat ko na lang yung channel at nakita ko sa Cinema One na favorite ko yung palabas! My Amnesia Girl!

Subukan ko din kaya ang magka-Amnesia? Mas madaling lumimot eh.

Aysh. Nilipat ko na lang ulit. Uy! Korean Novela!

OH BABE MANHID KA! MANHID KA! WALANG PAKIALAM, OH BABE MANHID KA!

Bwisit. Commercial lang pala. Ang pangit pa nung kanta. AYSH!

Biglaan namang nawala yung cable. Hala? Anyare??? Tinignan ko naman yung wiring sa likod, mukang nakakabit naman lahat. Bukod doon, malay ko ba kung anong problema? Hindi naman ako magaling dito eh. Huhu.

Bababa n asana ako para i-check ng naalala kong baka nasa baba ang mokong. Sinilip ko nga, mukang tahimik naman sa sala. Kaya dali-dali naman akong bumaba at tinignan kung san nakaconnect yung wiring. Baka magkadugtong lang yun dito sa babang TV eh. Hmmm….Asan na ba yun?

“Ehem.”

“AY KABLE!”

Nauntog tuloy ako dun sa cabinet nung tv. Nakayuko kasi ako, naghahanap nga ng kableng nakaconnect dun sa taas. Tsk, wrong timing naman lagi tong si TOP oh.

“Anong ginagawa mo dyan?”

“Baka nagswiswimming.”

“Bakit ka naman nakikialam ng mga cable wiring dyan? Alam mo ba yan??”, pagkukulit pa niya.

Inirapan ko na lang siya at minabuti ko ng huwag hanapin yung kable na yun. Aysh, makatulog na nga lang.

“Dito ka na lang manuod.”, bigla niyang sabi.

Tinignan ko naman siya na para bang sinasabing pano naman niya nalaman na sira ang tv ko sa taas??

“Alam mo, hindi ka naman bababa dito kung ayos ang tv mo sa taas eh. Dito ka na lang.”

Umupo naman to sa sofa na para bang sa kanya ang bahay. Tss. Patibayan pala ha?! OK CALL! Tignan natin kung sino ang pinaka-hindi affected sa nangyari. Expertise ko ata ang pagmove on! Sus!

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon