CHAPTER 28

3K 67 9
                                    

“Athena umayos ka nga, pano kita maayusan nyan?”, pakailang-ulit ng paalala sakin ni Clarence.

“H-h-ha? Ay, sorry.”

Ngayon kasi namin pinlano ni Kian ang photoshoot namin para sa project. Syempre, kay Clarence ako nagpatulong na mag-ayos ng sarili ko. Siya na nga rin ang nagprovide ng gown at ibang cocktail dresses.

“Alam mo, sigurado ako babalik yun si TOP. Sus. Eh parang linta naman sayo yun kung dumikit eh. Kaya wag ka ng ngumanga dyan.”, sabi pa nito.

“Ehhh…nag-aalala kasi ako eh. Baka nagalit siya sakin o kung ano. Sinubukan ko ngang tanungin si Mam Graciel kaya lang wala din daw siyang balita.”

“Ano ka ba! Malaki na yun si TOP, para ka namang nanay eh!”

-____-

“Teka, asan pala si Kian?”, pag-iiba ko na lang ng usapan.

Tumingin naman sa paligid si Clarence at napansin kong parang natulala siya sa isang direksyon. Syempre, nakiosyoso din ako. Haha.

Akala ko talaga may nakita siyang isang batalyon ng mga fashionista (super obsessed kasi si Clarence sa mga yun) pero nung pagtayo ko….

“Ehem. Speaking of Kian, Athena.”, sabi nitong si Clarence.

Papunta ngayon si Kian samin na may dala-dalang napakalaking bouquet of red roses. Aba syempre napanganga na lang ako kasi sobrang ganda talaga, pink pa yung balot! Dagdag mo pa ang suot ngayon ni Kian nan aka tuxedo pa siya, talagang sira na lang ang hindi mapapahanga.

“Uhm, Hi Athena.”, bati nito sakin.

O_O

“H-hi…Ano yan?”, tanong ko na lang.

“Para sayo. Di ata pwedeng mawalan ng flowers ang bride ko.”

BRIDE KO? UHM. UHM. UHM. -____-

“Ahhh…sige ha? Tawagin ko lang si Brent para makapagstart na kayong magshoot. Iwan ko muna kayo ha?”, biglang paalam nitong si Clarence.

Syempre hinila ko agad yung damit niya. Talagang nilakihan ko siya ng mga mata para sabihing wag niya kong iwan dito kay KIAN. T^T

Pero sa pagkaloko-loko talaga nito, hindi siya nagpaawat at dali-dali siyang tumakbo palayo samin. OH EH ANO NG GAGAWIN KO NGAYON?!!

“You’re pretty.”, narinig kong sabi nitong si Kian.

“Ahh..hehe, salamat.”

“Ay, lagi ka namang maganda eh. Rephrase that, you’ve always been pretty.”

-___-

Bakit ba ginagawa sakin to ni Kian!!! T^T

BABAE DIN AKO NO, KINIKILIG DIN AKO. BWISET.

“Athena, halika dito.”

O_O

“HA? San??”

“Dito, sa tabi ko. Daliiii!”, pagpapacute pa nitong si Kian.

Kahit na medyo parang nawiwirduhan ako eh, tumabi na nga lang ako sa kanya sa may bench. Naglagay naman ako ng space sa pagitan naming dalawa. Hindi na ko makahinga ditto eh. -_-

Tinaasan naman niya ko ng kilay at siya yung lumapit sakin.

“May B.O ba ko, ha??”, pagtatanong nito.

Hindi ko naman mapigilan mapangiti. “HA? Haha, ewan ko sayo.”

“Magpipicture kasi tayo oh. Kakabili ko lang nitong Polaroid ko. Sayang naman kung di ko gagamitin diba??”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now