CHAPTER 7

4.2K 70 5
                                    

“Diba sinabi ko na sayo na masamang ideya ang pumunta dyan? TAPOS TINULAK MO PA KO PARA MAKASALI DYAN SA EWAN NA SEGMENT NILA! Tignan mo ngayon, isang malaking gulo ang napasok natin. Sigurado, makakaabot to sa mga chismosang babae sa St. Dominique. Malalaman din to ni mama!”, pagsasabi sakin ni TOP habang naglalakad kami palabas.

-_______-

Ang pangit naman ng experience ko tuloy sa Showtime. Akala ko mag-eenjoy kami. T^T Hindi ko naman talaga sinasadyang ganun yung mangyari. Malay ko bang sobrang aggressive nung mga babaeng yun!

“Eh hindi ko naman alam na----“

“Yun na ngae! If you just only listened to me, then wala sanang problema! SANA IF YOU KEPT QUIET IN YOUR SEAT, MATATAPOS NATIN YUNG SHOW. Eh matigas yang ulo mo eh!”, pagsisigaw pa niya.

Nahihiya na nga ko eh. Pinagtitinginan na kami nung mga taong nadadaanan namin.

T_____T

“Tapos nagsorry ka pa sa mga staff! THEY BARELY DID SOMETHING PARA MAIWASAN YUNG STAMPEDE! Ni wala silang nagawa para pigilan yung mga fangirls na yun!”

Hindi na lang ako nagsalita. Alam ko na pag sumagot pa ko, baka sagut-sagutin niya lang ako. Nakayuko na lang akong sumunod sa kanya, na medyo naluluha na rin ako. Hay.

Habang naglalakad ako, hindi ko napansin na may nakabangga na pala ako.

“Nako, sorry po….”

O__O

“Athena???”

Si Miss Graciel??? Bakit siya andito?

“Oh, umiiyak ka ba???”, tanong nito.

“Po??? Hindi po….”

Napansin naman ni TOP na hindi na ko sumusunod sa kanya at lumapit siya sa amin. Nagulat din siya ng nakita niya si Miss Graciel.

“Graciel? Why are you here?”

“I saw you guys on tv. Buti na lang I was driving near here, kaya nagmadali naman akong puntahan kayo.”

--------------------------

Pumunta muna kami sa isang café na malapit sa ABS-CBN at nilibre kami ni Miss Graciel ng inumin. Gusto daw niya kasi malaman kung ano yung nangyari sa studio. Pinaorder niya muna si TOP nung drinks namin at naiwan nga kaming dalawa sa upuan.

“Athena? Bat ka umiiyak kanina???”, concerned na tanong nito.

“Wala po….”, pagtatago ko na lang.

“Is it Theodore???”

T____T

WAHHHH NALUHA NAMAN AKO TULOY.

“Tsktsk, tell me what happened. Medyo mahaba naman yung pila, we can talk for a while.”, pagkukuha nito sa mga kamay ko.

Ayun nga. Kinwento ko nga sa kanya simula nung pinag-aawayan namin ang pagpunta dito hanggang nga nagulat na lang ako kaninang umaga na may free passes kami. Sinabi ko rin na ayaw nga ni TOP na sumali pero dahil sa sobrang excitement ko ay natulak ko siya.

“Theodore can be a bit harsh sometimes. Pagpasensyahan mo na ha?”

“Eh kasi naman po, lagi na lang ako yung parang mali. Tinry ko namang tumulong eh.”

Sakto namang dumating si TOP at nilapag niya yung orders namin sa table. Agad-agad naman akong talikod at pinunasan ko yung mga luha ko.

“What are you talking about?”, tanong niya.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon