CHAPTER 45

2.3K 65 13
                                    

“Ehhh…Ate Athena naman. Wag ka na umiyak, masisira makeup mo eh!”, pagkukulit nitong si Demi.

Nakahanda na kasi ang lahat para sa Christmas party maya-maya lang. Excited sana ako kasi this time, hindi na bigay ni Clarence yung suot ko. Bili na sakin to ni mama, regalo daw niya sakin ngayong Pasko. Ang ganda nga eh, simpleng color white lang na may sequins at hanggang tuhod ko lang. Si Demi yung nag-ayos ng buhok ko at pati na rin nagmakeup. Nagprisinta din naman siya.

Kaya lang kasi…simula nung binigay sakin ni Chelsea yung kahon na regalo daw sakin ni TOP, hindi ko na talaga mapigil pang umiyak. Hindi ko pa man din binubuksan yung regalo, naiiyak na ko. EH KASI NAMAN, SOBRANG NAKAKALUNGKOT TALAGA. Hindi ko lubusang maisip na…wala na si TOP. Na malayo na siya at malabong makita ko pa siya dito sa school na to. T^T

“Sorry talaga Demi. Pasensya na talaga….”

“Eh pano ka haharap sa tao nyan? Sige na, ate Athena tahan ka na!”

“May oras pa naman ako, Demi. Iwan mo muna ako please….”

Buti naman at sinunod na lang ako ni Demi. Mag-aayos din daw muna siya at dapat daw pagtapos niya, okay na ko. Ewan ko, hindi ko alam. Parang ayoko ngang umattend ng party. Anong pakelam ko sa i-aannounce ng mga Ramisses. Kung wala na si TOP….balewala na ang lahat. Wala na kong gustong malaman pa.

Tinignan ko naman yung regalo. Mas lalo na naman akong naiyak.

“Bwisit ka THEODORE RAMISSES. Bakit ka umalis?! Bakit mo ko iniwan?!”, paghahagulgol ko pa ng tahimik.

Nagulat naman ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko. Di na naman akong nag-abala pang magpunas ng luha, hindi ko kaya.

“Athena…??”

O___O

“Clyde??”

Hindi naman ako nag-alinlangan na yakapin siya. Masyado akong nalulungkot ngayon at gumaan yung pakiramdam ko ng nakakita ako ng kaibigang mapaglalabasan ng saloobin.

“Clyde…wala na siya. Umalis na si TOP…..”, pag-iiyak ko pa dito.

Naramdaman ko namang tinapik niya yung likod ko at lalo na nga akong naiyak. Bwisit talaga tong TOP na to, napaka-chiks eh!!!

“B-Bakit…daw?”

“Wala naman talagang kasalanan si TOP eh. Hindi niya kailangang umalis! Bata pa siya nun! WALA PA SIYANG ALAM!!!”

Hindi ko mapigilan. Gusto ko ng taong masisisi. Unfair naman talaga. Pinaalis siya dahil lang sa sinama siya ng tatay niya sa kalokohan niya. Eh malay ba niya?! AYYYSSHH. ANg kitid naman ng ulo ng lolo niya!!!

“Shhh…tahan na Athena. Ayusin mo nga yang sarili mo.”

“Ayoko. Ayokong bumaba, Clyde. Dito na lang ako….”

Pinaupo naman ako ni Clyde sa kama ko at tumabi naman siya sakin. Tuloy pa rin ang paghihibik ko at siya, hinawakan niya bigla yung kamay ko.

“Hanggang kelan ka ba niya sasaktan?”

Nagtuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit. Kung bakit hanggang ngayon…hindi ko pa rin magawang kalimutan si TOP. Na kahit na ilang beses ko siyang pagtabuyan, alam kong sa kanya pa rin ang bagsak ko.

“Please don’t cry for him, Athena. Nasasaktan ako para sayo….isipin mo nga. Kelan ba niya pinunasan yang mga luha mo? Kelan ba niya hindi pinahirapan ang puso mo? Kelan siya nakinig sa mga problema mo??”

Mas lalo akong nasaktan sa mga sinabi niya. Pero di ako sumuko.

“Mahalaga pa ba yun?! Naiintindihan ko siya, Clyde. May mas importanteng bagay siyang kailangan ayusin sa buhay niya kesa sakin! Sa murang idad ni TOP, madami na siyang pasanin sa buhay niya, at ayoko pang dumagdag pa dun!”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon