CHAPTER 41

3K 80 8
                                    

Isang araw na ang nakalipas simula ng nakabalik na ko sa WAR. Tinulungan ako ni mam Graciel na ayusin lahat muna ng re-admission papers ko hanggang ma-aaprove na silang lahat ni principal. Syempre, todo todo ang pasasalamat ko kay Miss Graciel. Simula nga nung gabing nag-iimpake pa lang ako, hindi ko na siya tinigilan ng pagsasabi ng thank you.

Natuwa naman ako at pagbalik ko sa room namin ni Demi ay sobrang linis ng paligid. Ultimo yung kwarto ko, nilinis at inayos niya din. Ni hindi ko nga nilalabhan yung shower curtain ko sa banyo eh. Siya mismo, ginawa niya yun. Syempre, sobra din akong nagthank you sa kanya. Mabait din kasi yung batang yun at sobrang sipag maglinis. Parang OC nga eh pero hindi naman siya nagrereklamo pag makalat.

Simula din nung araw na lumabas kami nina Clyde, hindi na bumalik sa bahay si TOP. Wala na din yung gamit niya eh, tinignan ko bago ako umalis. At sigurado naman, wala din siya dito sa WAR.

Pero hindi talaga yun ang gumugulo sa isipan ko nitong mga nakaraang araw.

 Si Clyde.  Si Clyde at ang biglaan niyang…pagconfess nga. Oo, aaminin ko, sobrang nagulat ako na akala ko panaginip lahat ng mga magagandang narinig ko mula sa kanya. Syempre, babae din ako at kaibigan ko si Clyde. Aaminin kong, para akong lumilipad ng mga panahong yon.

Ang hindi ko lang kasi maintindihan….ay kung bakit ako? I mean…sa dinami-dami ng babae dito, ako pa ang napupusuan ng dalawang lalaking malapit sa buhay ko? Grabe namang pagka-long ng hair ko.

“Hindi naman ako ganung kagandahan ah….”, pagbubulog ko sa sarili ko.

Nasa kwarto kasi ako ni Brent ngayon. Andito din sina Clarence, Jeff at Zelo. Tutal, wala ngang klase at hindi pa bukas ang mga booths sa baba, naglalaro pa muna sila ng cards. Ako, kanina pang palakad-lakad habang nagmumuni-muni.

Narinig ata nitong si Brent yung pinagsasabi ko kaya nagreact naman ang loko.

“Hindi nga.”, sabi agad ni Brent.

-______-

Di ko na lang pinansin. Ang bwisit na to.

“Hindi rin naman ako talented….”

“Sus. Talented ka kaya!”, sagot naman ulit ni Brent.

AYUN! Kaya labs ko si Brent eh! Hehehe.

“TALAGA????”

“Oo. Galing mo ngang maglaway pag natutulog eh.”

>____<

Sinugod ko nga yung loko at kinuha ko yung mga cards na hawak niya. Binato ko nga yun sa mesa ng padabog. AYSSHHHH AKALA KO NAMAN IKO-COMPLEMENT NA KO! bwisit talaga to minsan eh. Andito pa naman sina Jeff. T^T

“ATHENA NAMAN EH! KITA NG NAGLALARO OH!”

“TSK. Sira ka kasi Brent eh! Oo, maganda ka Athena maylabs. Lalo na pag nakaayos ka no!”, sabi naman ni Clarence.

“Oo nga. Talented ka pa! Biruin mo,sSa sobrang bait mo, talent mo na atang mapa-inlove sayo ang mga kalalakihan!”, dagdag naman ni Zelo.

-____-

Ano ba yan. Di ko alam kung matutuwa ako o kung ano eh.

Todo naman ang pagkakamot ng ulo nitong si Brent. Ha, buti nga. Napapala niya kakainsulto sakin!

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon