CHAPTER 43

2.5K 66 6
                                    

“Alam mo, ate Athena sobrang nakakakilig talaga yung nangyari nung Miss WAR!!! Waaahhh CLYTHENA FOREVER!!!”, pagtitili pa ulit nitong si Demi.

Pinapakita niya kasi sakin yung pictures na kinuhanan ng documentary head daw ng fansclub (oo, alam ko ang OA). Ang ganda nga ng mga kuha ko eh! Kaya lang syempre, hindi naman mawawala si Clyde sa pictures.

“Eh dibaaaa….pupunta ngayon dito si Clyde???”, tanong pa niya.

“Ha? Oo…mag-aaral kasi kami. Saka, baka sumama din sina Brent no.”

“BRENT???”

“Oo. Yung kaibigan ko din sa Carthaginians? Sigurado naman akong kilala mo yun no. Tindi mo kayang magresearch.”, pagbibiro ko pa.

“Ahh…hehe, sige. Uhm, ate Athena ligpitin ko lang tong pictures ah? Ilalagay na namin sa scrapbook to eh, sige!!!”

Dali-dali naman niyang niligpit yung mga litrato sa mesa at sinuksok niya yun sa bag niya na para bang may hinahabol siya. Hala? Anyare dun?

Sakto naman nung nakapasok na siya sa kwarto, biglang tumunog yung pinto. Nako, baka si Clyde na yan ah. Pinagbuksan ko naman agad siya at nagulat ako ng may binigay kagad siya sakin na makapal na libro. HALA???

“Ow…ano to, CLYDE?!”

“Tsk. Mag-uusap tayo sa loob.”

O_O

Bigla naman akong kinabahan? Anong nangyare??? May nagawa na naman ba kong mali??? T^T

Nung nakaupo na nga kami sa dining, may nilabas siyang parang papel na nakatupi at inabot niya sakin yun.

Ano kaya to??

……

….

……

O_O

Chemistry – 85

Analytical Geometry – 79

 

“Oh ano? Akala ko ba naiintindihan mo yung lessons natin?”, biglang tanong naman ni Clyde.

T____T

“Eh kasi….ano….pano kasi…..”

Nako Athena isip isip din ng dahilaaaan!!! >____<

Tinitigan naman ako ni Clyde ng nakakamatay niyang mga tingin. NAKOOOO galit ata to. HUHU.

“SORRY NA TALAGA CLYDE! EH KASI NAMAN ANG HIRAP TALAGA NIYA TAPOS DI KO TALAGA MAGETS KUNG PANO!!!”

Napabuntong-hininga naman si Clyde. WHEW. Buti na lang.

EH kasi, di na nga ko pumapayag na magpatutor sa kanya. Hindi naman sa naiilang no, pero matagal na din to bago pa lang umamin si Clyde sakin, tinatanggihan ko na yung mga tulong niya. Gusto ko kasing tumayo sa sarili kong mga paa din eh. KASO, DI KO PALA KAYA. -_____-

“Hay nako, Athena. Pasalamat ka at tinanong ko sa prof natin kanina yung mga grades mo, kung hindi baka magpatuloy ka ng ganyan. Alam mo namang nakasalalay ang scholarship mo dito diba?”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now