CHAPTER 13

3.5K 71 5
                                    

“I will not tolerate this kind of incident! Anong sa tingin mo, coincidence ang lahat?!”

“Huminahon lang po kayo. We still need both of their alibis. Please.”

“Kapag hindi pa gumising yang Athena na yan, I WILL TAKE THIS TO COURT IMMEDIATELY!”

Nakapikit man ako pero nakakarinig ako ng mga boses. Sinubukan ko naman na dumilat at kahit malabo man, alam ko ng nasa clinic ako. Ginalaw ko din naman ang mga kamay ko at naramdaman kong may nakasuksok saking karayom.

UGH. Ano bang nangyari??

Narinig ko naman na parang sumara ng malakas yung pinto at sinubukan kong tumingin sa gilid ko.

“ATHENA???!!!”

Luminaw naman bigla yung paningin ko at nakita ko ngang si TOP na alalang-alala. Ginusto ko mang tumayo pero pinigilan niya agad ako.

“No, huwag ka munang gumalaw. You need to rest.”, mahinahong sabi nito.

“Ano bang nangyari???”

Parang hindi naman mapalagay ang muka nito.

“That’s what I’d like to ask you. Ano nga bang nangyari?”

HA? Tanong ko, tanong niya?! Nang sinubukan kong isipin ang nangyari bago ako napunta dito, parang kumirot naman yung ulo ko.

“Oww…”

“Tsk. Wag mo munang isipin yun. Magpahinga ka muna.”

Kahit hindi sinasabi ni TOP, alam kong may tinatago siya sakin. Sa lagay ng muka niyang yan, para bang may mga gumugulo sa isip niya na hindi niya mapaliwanag. Jusko, siya pa. Eh ayaw na ayaw niyang hindi nakakaalam ng mga bagay-bagay.

“TOP, ano ba yun? May nangyari ba??”

Hindi naman niya ko matignan sa mata. Tsk. Sabi ko na nga ba eh. May fishy na nangyari.

“Huy. Tinatanong kita.”

“I’ll let you know kapag nadischarge ka na. But for now, please. JUST REST.”

-----------------------------

Kinabukasan din nun, pinalabas na ko ni doktora. Narinig ko na wala naman daw akong mga galos o mga sugat man lang kaya wala dapat silang ipagalala. Hindi ko sila naintindihan kaya sinubukan kong itanong kung ano ba talagang nangyari sakin. Pero as usual, lahat ng dumalaw sakin, walang imik.

Syempre si TOP, hindi naman umalis sa tabi ko. Kahit na napakatahimik niya sa buong oras na kasama ko siya, hindi ko siya tinigilan ng mga tanong ko. Nakarating  na nga kami sa room ko ng dapat aalis na siya.

“Hoy, TOP. Baka pwede mo na kong sagutin?”

“Athena, ako ang nanliligaw. Ikaw ang sasagot sakin.”

AY NAKO NAKUHA PANG MAGBIRO NG HALIMAW NA TO. Sinara ko naman agad yung pinto ko para di siya makaalis. Kahapon pa kong naloloka kakaisip kung ano nga ba ang nangyari at nagconfine ako (na naman) sa clinic. Tsk.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon