CHAPTER 42

2.5K 73 11
                                    

TOP’s Point of View

“Kuya, ilang ulit ko bang sasabihin sayo. Foundation week ngayon, pwedeng pumasok ang outsider!”

“Ikaw ang makulit ser eh. Bilin na bilin ng may-ari na huwag ka daw papasukin!”

-_____-

Pag ako talaga nakabalik sa WAR, papatalsikin ko agad tong manong guard na to eh. EPAL!

“Kuya Guard??? Don’t worry, he’s with me!”

Thank goodness andito si Graciel! Pinapasok niya na lang ako kahit na pilit na nagrereklamo pa rin yung guard na yun. HA, akala niya ah!

“Theo, what are you doing here???”, sabay tanong naman ni Graciel.

“Asan si Athena?”, di ko mapigilang matanong.

Napangiti naman si mam na para bang ineexpect na niya yung tanong ko. Bakit ba? Halos mabaliw na ko kakaisip kung kamusta si Athena eh. Saka, may gusto din akong malaman.

“You’re right on time. Nagsimula na yung program ng Miss WAR. Baka lumabas na si Athena anytime.”

“WHAT?! Asan ba sila????”

“Sa grounds lang naman. Kaya, go!”

Di na ko nagsayang pa ng oras. Gusto ko talagang makaabot sa part ni Athena eh. Sana di pa ko huli, sayang naman ang pagpunta ko kung di ko rin siya makikita. Last year kasi, wala ako nung nanalo siya. Oo, nabalitaan ko but I had little interest kasi yun yung mga panahon na baliw na baliw siya kay Kian. Nakakainis lang.

When I got to the area, andaming tao. Nakipagsiksikan pa kong makapunta sa medyo harap para lang Makita si Athena ng maayos if ever she comes out. Nakahilera pa lang kasi yung contestants sa harap, maybe for coronation and stuff.

I also saw Sabrina. Sus, halata namang sasali yan eh.

Tinatawag na isa-isa yung mga winners when it finally came to the MISS WAR crown. Antagal pa ng drum roll when the emcee announced the winner. Expectedly, nanalo si Sabrina. Madaming naghiyawan pero I just stood there inip na inip sa part ni Athena.

But then, I was more than stunned when she came out. Lumabas siya on a long pink gown with the crown on her head.

Ok na ko. Nakita ko na siya.

“OMG, we have a surprise guest! Mukang andito po ang escort ng ating reigning Miss WAR!”, pag-aannounce nung emcee.

Escort? Sino??

By then, nakita kong umakyat si Clyde ng stage. Naghiyawan naman ulit yung mga tao na para bang akala mo mga baboy na kinakatay kakatili. Pano kasi, inabutan nitong si Clyde si Athena ng bouquet of flowers.

Damn it. WALA PALA KONG NADALA PARA KAY ATHENA.

ARGGHHH Bwisit naman oh…..Teka? Ano yun?

“WE LOVE YOU CLYTHENA!!!!”

ANO DAW??? Clythena??? Wag mong sabihin….

Anak ng. KELAN PA NAGKAROON NG FANS CLUB DITO?! BAKIT KAMI NOON WALA???? AYSHHH!!!

Umalis na nga lang ako ng venue. Nakakainis naman oh. Kung kelan ka naman naganahan kitain si Athena, saka pa pinamuka sayo na wag na lang. Anong panlaban ko sa fans club at mga mamahaling bulaklak?! Pasalamat tong si Clyde at walang wala talaga ko ngayon eh. Tsk.

Siguro nakakailang lakad pa lang ako palayo ng may narinig ako sa stage. Hindi naman ako nag-alinlangan na lumingon pabalik.

I saw Athena on her knees with a pained expression. Bumaling din naman yung tingin k okay Sabrina na katabi nito. Tsk. Nakangisi naman siya. SINASABI KO NA EH.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now