CHAPTER 1

6K 107 8
                                    

“Athena, kung sinusubukan mo lang ngumiti, hindi ka sana lagi papansinin ng mama ko.”, pakailang ulit ng saway sakin ni TOP.

-________-

EH NANGANGATI NA NGA KASI AKO SA SUOT KO!

 Bakit ba kasi kailangang kasama pa ko sa Promotional Program ng WAR eh?! Tapos puro mga sosyalera at sosyalero pa ang mga nandito. Puro mga anak mayaman! Dagdag mo pa ang mama ni TOP na napakasungit at strikta!

Kaya ko rin naman sagutin ang tanong ko na kung bakit ako nandito. Kaya lang nakakairita lang talaga.

Kailangan daw kasi nila ng representative na babae para mabalik ulit ang pagiging CO-ED talaga ng school na to. Syempre, as Miss WAR 2013 daw, kailangan present ako. Para may evidence daw na may babae na nga sa WAR.

At dahil dun, pinagsuot nila ko ng light pink long gown na may makapal na petticoat sa loob. Nakasuot rin ako ng 5 inches high heels na bigay sakin ni Clarence, my ever-supportive friend. Habang ang partner ko naman na si TOP ay chill na chill na nakacoat and tie.

Actually, para kaming design sa stage. Titignan kami ng tao tapos dapat ngingiti kami. OPEN HOUSE DAW KASI EH. Bwisit!

“Hanggang kelan ba tayo tatayo dito? Nangangatog na ang mga binti ko, TOP!”, inis na inis kong bulong sa kanya.

Binigyan niya lang ako ng parang haggard na muka.

“Look, pati rin naman ako napapagod na. I’m asking you a favor, remember?!”, sagot naman niya sakin.

HAY NAKO.

Ang sakit sakit na talaga kasi ng mga paa ko! T^T Pano ba naman kasi tong si TOP, ginamit yung coupons na binigay ko sa kanya sa hindi ko inaasahang pagkakataon! GRRRR.

Sabi kasi dun I CAN GRANT HIM ANY WISH. Eto. Hiniling niya na pumayag na ko sa pagsama sa event na to. -____-

“My mom will think highly of you kapag sinusunod mo lang ako. I told you, JUST SMILE. Pag madaming enrolees signing up for WAR, the better. Baka sakaling pagbigyan niya tayo.”, bulong nito sakin.

>_____<

“ANONG TAYO?! Tignan mo nga yan. Wala pa TAYO, ayaw na sakin ng mama mo! Pano pa kaya pag---“

Biglaan naman na nilagay na lang ni TOP yung daliri niya sa labi ko.

O___O

*LUNOK LUNOK*

“Sshhh. Ayaw niya ng madaldal. Keep still.”

WAHHHHH~~~~

Isang buwan na ang lumipas, hindi ka pa rin nasasanay sa mga da moves niyang si TOP, ATHENA!!!

>____<

Nababaliw na nga ko. BAKIT BA KASI KAILANGAN MAHIRAP ANG LAHAT EH?!

Naalala ko tuloy yung mga panahon na halos mamatay ako sa kahihiyan ng dahil kay TOP.

HAAAAY.

*** FLASHBACKS ***

(One week ago, habang kami ay nasa ‘date’ namin. KYAAA~~~)

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now