CHAPTER 33

3K 63 3
                                    

Clyde’s Point of View

“Look, Clyde. May appointment pa ko. Can you just say it directly?”, pagmamadali sakin nitong si Josh.

Tinignan ko naman ng masama yung mga bodyguard nitong si Josh. Dahil nga siya na ang susunod na tagapagmana, parang lahat ng meron si TOP noon, napunta na sa kanya.

“Please leave us.”, sabi naman dito ni Josh.

Buti naman at pumayag sila at naiwan nga kami doon sa room ko. Wala din naman ang roommate kong si Sol, kasama ata si Liam. Nagtitimpi lang talaga ko dito kay Josh eh. Alam kong mapapahamak ako kung masasaktan ko to.

“Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?!”, di ko mapigilang tanungin to.

“Ano bang sinasabi mo?”

“Wag ka ng magmaang-maangan. Alam ko kung bakit niyo dinidiin si Athena.”

Para naman siyang nakakita ng multo. Tss. Huling huli na eh.

“I don’t know what you’re saying. Mauna na ko…”, pag-iiwas na nito ng tingin sakin.

“We have a witness.”

Mas lumaki naman ang mga mata nito sakin. Hindi ko namang mapigilang ngumiti. Ha, magtago ka na Joshua Ramisses.

“S-s-sino naman?!”

“It’s not for me to tell. Besides, this is just a warning. Kung ako sayo, magsabi ka na lang ng totoo.”

“What truth?! Wala akong panahon sayo makipaglaro, Clyde.”

Napangisi naman ako.

“Wag mo kong subukan, Josh. You may be the next heir, pero sisiguraduhin kong malilinis ang pangalan ni Athena dito. Huling huli ka na.”

Halatang halata naman na namamawis tong lokong to sa kaba. Gusto ko lang naman na paaminin na tong si Josh, kung saka-sakali eh. Pero parang gusto niyang idaan ang lahat sa pahirapan.

“You know what? Masyado ka lang depressed. If Athena was THE REAL SUSPECT, wala na kong magagawa dun. STOP INVOLVING ME IN THIS NONSENSE.”

“Okay then. See you tomorrow in the office. Tapos na ang maliligayang araw mo.”

End of Clyde’s Point of View

----------------------------------

THEODORE.

THEODORE.

THEODORE.

Tama ba talaga ang narinig ko?

Hindi ko napigilang tumayo. Lumapit ako ng dahan-dahan sa pinto, ng di alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan, naiiinis….naeexcite.

“Thedore, what are you doing here?!”, sabi nitong si Miss Graciel.

“Graciel. I need your help, if only you could----“

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now