CHAPTER 2

5.1K 99 16
                                    

“Huy. Let’s go? Ayaw mo naman sigurong paghintayin yung mama ko.

“Ha? Mauna ka na pala. Punta lang ako kay Jonathan.”

Inalalayan naman ako ni TOP pababa nung stage at hinabol ko si Jonathan na busy sa pag-iikot at pagchecheck ng event. Mahirap tumakbo ng naka-gown kaya medyo kailangang maglakad lang. Yung may poise daw, sabi ni TOP. Ugh.

“Jonathan!”, tawag ko sa kanya.

Buti na lang di niya ko ini-snob. Whew.

Ganto kasi yan. Jonathan had and still has a crush on TOP. Sakin niya lang yan sinabi at ngayon, nai-guilty naman ako. Kalat na kasi ang balita sa WAR na nililigawan na nga ko ni TOP. Medyo wala akong naging pagkakataon na kausapin si Jonathan sa pangyayari kaya kinakabahan tuloy ako.

“Oh, Athena? Diba tawag kayo ni Mrs. Ramisses?”, tanong niya sakin.

“Ahhh…oo eh. Pero gusto lang sana kitang kausapin.”

Tinaasan naman niya ko ng kilay. Sign na hindi niya alam ang sinasabi ko.

*LUNOK LUNOK*

Kinalikot ko tuloy yung mga daliri ko.

“Ehhh…yung kay TOP…ano kasi---“

Bigla namang kinuha ni Jonathan yung mga kamay ko at ngumiti siya.

Nawala tuloy yung mga mata niya. Haha, super chinito eh.

“Gusto ko ng kwento, swear. Pero…saka na lang. Naghihintay na si Mrs. Ramisses. Sige na.”, pagpipilit nito.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Hay, ang bait talaga ni Jonathan.

“Thanks.”, bulong ko sa kanya.

“O siya, siya. Stop the drama. Go!”

Hindi na naman ako nagpatumpik-tumpik pa. Dali-dali naman akong naglakad sa kinaroroonan nina TOP. Buti na lang matangkad yun at nakita ko agad siya.

Pagkarating ko dun, agad naman akong nakita ni Mrs. Ramisses.

UHMMMM. AWKWARD.

“Oh, Ms. Athena. You’re here!”, bati nito sakin.

“Hehe…hello po ulit.”, ngiti ko dito.

“I’d like you to meet our board members. They’ve been looking forward to meet you all this time.”

Tinignan ko naman yung limang mga middle-aged peeps. Dalawang eleganteng babae at tatlong lalaking mukang mga businessman sa suot nila. Whew, nakakahiya naman tumabi sa mga to.

Pero syempre, ngumiti naman ako.

“Hello po, ako po si Athena Cojuangco.”, pagbabati ko sa mga to.

Buti na lang at hindi sila tulad ng mama ni TOP na NO RESPONSE nung una naming pagkikita. T__T Kahit papano ay napangiti ko naman sila at yung iba ay nakipag-handshake pa.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon