CHAPTER 8

4.1K 72 4
                                    

*** Feel kong ii-spoil ang readers ko. xD Hehe, hope you enjoy my update spree. ;) <333

--------------------------------

“OH CLYDE!”

Nginitian naman niya ko. Bakit siya andito??? Ana aga aga pa tapos ang sabi naman niya susunduin niya ko sa room ko, hindi sa bahay ko! Hala?

“Good Morning, Athena.”

“Bat…ka andito?”

Tapos bigla na lang lumabas si mama sa kusina. Buti na lang talaga hindi siya nakafacial mask o kung ano ano pa. Whew.

“Nako, Athena! Nagdala pa yang si pogi ng isang kahon ng ensaymada! Napaka-sweet!!!”, sabi ng mama ko na may kilig effects pa.

-____-

“Ahh, hehe. Nabanggit po kasi ni Athena dati na paborito niyo ang ensaymada.”, sabi naman ni Clyde.

“Nako, talaga?? Wow. Ang bait bait naman nito, anak! Manliligaw mo din ba???”

O___O

“NAKO MAMA HINDI PO!!!”, pagtatakbo ko sa mama ko habang pinandilatan ko din siya ng mata.

UGH. Nakakahiya kay Clyde. T^T

Buti na lang, ngumiti lang siya.

“Uhh…tara na, Athena?”, pag-aaya nito.

“Ha? S-s-san?”

“Sa school syempre. Sinusundo kaya kita.”

Kinuha niya naman agad yung isa kong maleta at nagpaalam na din siya kay mama. Sumunod na lang naman ako sa kanya palabas at napatigil ako ng akala ko may kotse siyang dala.

“Ehhh….maglalakad tayo?”, tanong ko dito.

Napangiti na naman siya.

“Hindi no. May bike akong dala.”

Tinuro niya sakin yung puting bike na nakapark malapit sa gate namin. Medyo may kalakihan siya tapos may maliit na upuan sa likod. Ang cute nga eh, color blue.

“Uhh…eh kaya ba dyan?”

“Oo naman. Matibay kaya to!”, pagtatapik niya dun sa cute niyang bike.

Nilagay niya yung maleta ko dun sa may sabitan niya sa upuan. Wow, ang galing. Tapos sumakay na siya at inaya na niya na rin akong umangkas na sa may likuran niya.

“Tara?”

“Sige, sige ^^”

Pagkaupo ko, kumapit naman ako sa may balikat niya. WOOHOO ngayon lang ulit ako makakaangkas sa bike ah! Medyo matagal na rin yung mga panahong ang papa ko pa ang nagda-drive para sakin. Hay.

“Kapit ka ng mabuti.”, paalala niya.

Diniin ko naman yung mga kamay ko sa balikat niya.

Lumingon siya sakin at parang napapangiti siya.

“Bakit?”, tanong ko dito.

“Para namang diring-diri ka sakin niyan.”

O__O

“HA?? Bakit???”

Kinuha niya yung mga kamay ko at nilagay niya ito paikot ng sa may bandang tyan niya.

“AYAN. Ganyan ang tamang pagkapit ng mabuti!”, ngiti na naman niya.

+___+

WAHHHHH bat parang nakaailang ata to?!

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now