CHAPTER 44

2.3K 66 2
                                    

“Ikaw ang nakabunot sakin no!!!! NAKO, BASTA GUSTO KO NG iPHONE 5s HA!”, pagyayakap nitong si Brent kay Clyde.

“Aray aray! Hindi no! Maghintay ka na lang sa Christmas party!!!”

Hindi ko naman mapigilan tumawa sa kakulitan ng mga kaibigan kong to. Kakatapos lang kasi ng klase at nagkita-kita kami dito sa grounds. Malapit na rin kasi ang Christmas break kaya naghahanda na kami para sa party namin.

Napansin ko namang wala si Zelo. Andito lang yun kanina ah? Pagkatingin ko sa may gawing stairs na paakyat, nakita ko siya doon nakaupo.

Umalis naman agad ako muna at nilapitan ko nga tong si Zelo na kanina ko pa ding napapansing tahimik.

“Uy. Anong ginagawa mo dyan?” pagtatabi ko dito.

“Ha? Wala lang.”

“Alam mo, hindi ako sanay na tahimik ka. Si Liam ba yan?”

Napabuntong-hininga naman si Zelo. Tinapik ko naman yung balikat niya, for support na din.

“Kayo ha. Aminin mo nga. Kayo ba ni Liam???”, pagsusubok kong magjoke.

Buti na lang ngumiti si Zelo. Hehe.

“Ang daya naman kasi niya eh. Sabay kaming pinasok dito sa WAR. At sabi niya, sabay din kaming gragraduate. Nakita mo naman na lagi kaming magkasama diba? Hindi lang ako siguro sanay na….di ko na  siya nakikita pa dito.”

“Alam mo Zelo. Kung ano man yung dahilan ni Liam, nakakasiguro akong…mabigat para sa kanya yun. Di ko nga rin maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis eh. Siguro ang tamang gawin natin ngayon…ay ang initindihin siya.”

“Bakit? Anong akala niya? Di natin siya kayang intindihin??? Kaya siya umalis? Pwede naman niyang sabihin satin problema niya ah! Pero pinili niyang sarilihin lahat yun.”

“May dahilan ang lahat, Zelo. Malalaman din natin kung bakit.”

Habang kino-comfort ko naman si Zelo, ay biglang tumunog yung school speakers. Ang sakit pa nga kasi ang lakas ng mic test ni principal. Lintek.

“ATTENTION STUDENTS. PLEASE PROCEED TO THE GYMNASIUM. NOW. AGAIN, ATTTENTION STUDENTS….”

Nagtinginan naman kami ni Zelo at hinila na nga niya ako paakyat sa gym. Andami nga naming nakasalubong na estudyante, akala mo naman papatay para lang makipagunahan makapunta sa gym. Muntikan na nga ako mapatid pero buti na lang, andun pala si Clyde sa likod ko at inalalayan nga niya ko.

Pagkarating namin sa gym, puno agad to ng mga tao at nakita ko nga sina principal sa stage na para bang seryosong-seryoso ang mga itsura nila. Nako po. Baka gawin nilang late ang Christmas break namin ah!!!

“We are sorry to pull you out from your free time, but there has been an important announcement to be made.”, pagsisimula naman ni Miss Graciel.

“Announcement??? SANA NAMAN GOOD NEWS YAN AH!”, pagkokomento naman ni Brent.

Pinatahimik naman agad namin siya at nakinig na nga lang sa magsasalita. Nakita kong may hawak si principal na folder at seryoso pa rin talaga ang muka niya.

“We are glad to tell you….that Mr. John Blimey’s case has been finally settled.”

O____O

Nagkaroon syempre ng malakas na mga bulungan. Settled na???!!! KELAN PA??? At saka, pano??? Ang huling balita lang namin ay wala pa ring sapat na ebidensya sa sinasabi nilang si Josh nga ang gumawa noon kay Joanna. At ayaw rin naman suportahan ni Joanna ang statement noon ni TOP laban kay Josh.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora