CHAPTER 35

3K 65 3
                                    

“Questions will be asked from you. Basta, sagutin mo lang sila. This is really different this time, kasama na ang board members. So please, be careful when you answer.”, pagpapaalala sakin ni Miss Graciel.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa conference room. Lalo tuloy akong kinakabahan dahil sa mga reminders ni Miss Graciel. Dahil nga mas madami ng tao ngayon ang makikinig samin, hindi ko alam kung kakayanin kong humarap sa gantong sitwasyon. Aysh.

 

“Wag kang pumunta ng school bukas”

 

Ano bang sinasabi ni TOP? Panong di ako pupunta eh ngayon ang araw na susubukan naming linisin na ang pangalan ko dito. At saka…bakit naman niya sasabihin yun? May alam ba siya dito??

Hindi ko na lang muna inisip. Pagdating namin sa room, halos parang namutla naman ako sa dami ng tao. Nandun ang mga students involved na sina Clyde, ang board members, principal, sina Mrs. Blimey at Joanna at pati na rin ata abogado nila. Jusko po, Lord, please guide me.

“Take your seats.”

O_O

Si…Kilala ko yun ah.

Pagkatingin ko sa babaeng tumayo, si Mrs. Ramisses nga.

Ang nanay ni TOP.

“Miss Graciel, shall we start?”

At yun na nga. Sinimulan ni Miss Graciel ang pagpre-present ng mga nacollect naming ebidensya simula sa CCTV clips at mga statements ng witnesses. Hindi naman talaga ako nakikinig sa mga nasasabi ni mam dahil wala akong ibang nagawa kung hindi ay yumuko. Hindi ko matignan ng ayos ang mga tao. Parang lahat sila, sinusukat kung masama ba kong tao o hindi.

Siguro ay nagsisimula na kong manginig sa kaba ng biglang may tumawag sakin.

“Miss Cojuangco.”

“PO?!”

Napalakas naman ata ang pagsagot ko. Kaya napayuko na lang ulit ako nyan.

“What can you say about Miss Graciel’s presentation?”, tanong nung isa sa mga board members.

Naghalo-halo na lahat sa utak ko. Ano…ano nga ba? Tumingin naman ako kay Miss Graciel at tumungo lang siya sakin. Binigyan niya din ako ng ngiting pampalakas-loob.

“Wa..Wala po akong kasalanan.”, halos mahina kong sabi sa kanila.

“Then how will you explain Mr. Blimey’s statement? You should know that a living victim is ENOUGH for you, the suspect, to be guilty. No questions asked.”

Lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Eto na naman kasi, nadidiin na naman ako sa gantong sitwasyon.

“MISS COJUANGCO.”, tawag ulit niya.

“….hindi po yun totoo. Wala akong kasalanan.”, lakas-loob kong pagsasabi sa kanila.

First time kong makipag-eye contact. Lahat sila, hindi ko alam ang iniisip. Pero iisa lang ang alam ko. Alam kong inosente ako. Wala akong dapat ikatakot sa kanila.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin