CHAPTER 18

3.5K 60 4
                                    

"Athena? Anong nangyari sayo??"

Pagkalingon ko, si Clyde pala. 10 am na ng umaga pagkatingin ko sa relo ko at kanina pa nga ako dito sa grounds na nakaupo lang. Hay.

"Uy, Clyde."

Tumabi naman siya sakin at sinilip-silip yung muka ko.

"Bat ang itim ata ng eyebags mo?!", pagtataka nito.

T___T

"Ah, ito ba...hindi kasi ako nakatulog masyado."

"Bakit naman? Sabin i TOP kagabi ang aga mo nga daw natulog eh."

"Eh....kasi....si Kian......."

Bigla naman siyang parang nagulat.

"Oo nga pala....dumating na siya. Oh eh ano namang nagawa niya sayo at hindi ka nakatulog???", pag-uusisa pa niya.

Nagkamot na lang ako ng ulo. Ugh. Pano ko ba sasabihin to. T^T

"Ano kasi....roommate ko siya."

Nanlaki naman ang mga mata ni Clyde. Takte, di ko naman siya masisi diba.

"ROOMMATE?! Akala ko meron ka na???"

"Akala ko din eh. Nagback-out pala yung Heidi, natakot daw sa insidenteng nangyari dito."

"Eh....asan si Kian ngayon?"

"Ayun. Tulog pa din. Ang himbing nga eh, siguro napagod sa flight nila."

Wala naman talagang nangyari nung gabi. Ni hindi kami nag-imikan at mabuti na lang, hindi na nga niya ko kinulit dun sa sinabi kong 'boyfriend' ko nga si TOP. Isa pa kasi yun sa pinoproblema ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin k okay TOP kung sakaling malalaman niya yun. -____-

Sinubukan ko din naman kausapin si Miss Graciel tungkol sa pagiging roommates namin ni Kian. Sabi niya, wala daw siyang magagawa since all rooms are all occupied. Pero kung sakali daw na matapos na yung rine-renovate na rooms sa 3rd floor, baka pwede na daw siyang malipat. T^T

"Nagbreakfast ka na ba?", pagtatanong ni Clyde.

"Ha? Oo...ako nga nagbukas ng cafeteria eh."

Ngumiti naman siya. Hehe.

"Tss, halika dali. Bayaan mo muna yang si Kian, sama ka samin ni Brent!", paghihila nito sa kamay ko.

"Ha...? Sige, sige."

Akala ko eh sa auditorium niya lang ako dadalhin, pero pagkadaan namin sa room ni Brent eh kinuha niya yung susi niya ng kotse at ayun, umalis nga kami ng school. Nakaupo silang dalawa sa harap at ako lang sa likod. Eh kung sosyalan talaga ang usapan, puting Bentley ang sinasakyan ko ngayon! KYAAHHH~~~

"Cool ng car ni Clyde no??", sabi ni Brent.

"Oo nga eh. Brand new ba?"

Tumingin naman sakin si Clyde sa mirror nito at kinindatan ako.

"Yep!", sabay sabi niya.

Natawa na lang ako kasi ang cute niya talaga. Haha. Nakakatuwa.

"San tayo pupunta ba?", pagkukulit ko.

"You'll see."

Siguro pagkaraan lang ng ilang minuto ay napadpad kami sa isang covered court. Pagkakababa namin, ay sakto merong dalawang lalaki ang sumalubong samin. Takot ko lang kasi muka silang mga gangster.

"Oy, Bento. Late kayo.", sabi nung isang maskulado.

"It's Brent kasi. Di ako pagkain, okay?!"

Pinigilan naman siya ni Clyde habang nilagay nito ang kamay niya sa dibdib ni Brent. Halaaa. Anong nangyayari?!!

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now