CHAPTER 5

4.3K 90 8
                                    

*** I wanted to dedicate this cheesy chappie to my NOONA. :"> THANK YOU, THANK YOU TALAGA for being my #1 TOPENA SHIPPER. hahaha. I love youuuu!

----------------------------------

TATLONG ARAW.

Tatlong araw na kong hindi kinukulit ng halimaw. Ang huling pagkikita namin ay nung dumalaw siya dito sa Starbucks para sabihing mawawala daw siya ng ilang araw dahil sa seminar na aattendan niya kasama ang mama niya.

Pero sabi niya, itetext niya daw ako. Eh ni minsan, wala naman akong natanggap. Aysh.

“Athena, asan na yung boyfriend mo?”, biglang tanong nung kasama kong si Vivian.

“Ha? Nako di ko boyfriend yun ah.”

“Sus! Eh kanina ka pa kaya tingin ng tingin sa phone mo.”

O__O

“Ahhh..hehe, inaantay ko yung tawag ng mama ko. Eto naman.”, pagpapalusot ko na lang.

“HMM. Ikaw bahala.”

Aysh. Minsan talaga hindi maiiwasan ang mga chismosa no?

Errr. Focus Athena. Magtrabaho ka na lang!

“Miss, one Mocha Frapp please.”

Hay salamat, may customer!

Pinunch ko na lang yung order niya dating gawi na lang sa lines.

“Is there anything else----“

Pagkatingin ko sa customer, si Clyde pala.

“Uy. Anong ginagawa mo dito?”

“Nag-oorder. And…Can I borrow you for a while?”, ngiti nito.

“Ahh…eh---“

Tumingin naman ako sa manager ko at nagulat na lang ako ng pinaalis na ko. Susko naman tong manager namin, basta sa lalaki payag agad!

Kinuha ko muna yung order ni Clyde at umupo kami sa isang tabi.

“Kamusta ka na?”, tanong niya.

“Okay lang naman….ikaw? Kayo, sa WAR?”

“Nothing changed. Nagsisisi na nga ako at nagstay ako sa WAR kasama sina Brent. Ang kukulit.”, pagbibiro nito.

Napangiti naman ako. WAHHH~~~ Namimiss ko na talaga ang bumalik sa school.

“Pano mo pala nalaman kung san ako nagtratrabaho?”

“Ahh. Galing ako sa bahay niyo. Your mom told me where I can find you.”

“Alam mo kung san yung bahay ko?!”, gulat ko namang tanong.

“Oo naman. Don’t you remember? Ako kaya ang naghatid sayo nung gabi ng Recruitment.”

AYY. OO NGA PALA.

“Ahh…hehe. Oo. Thank you pala ha?”, ngiti ko na lang.

“Wala yun. I felt responsible. Dapat hindi kita hinayaang malasing ng ganun.”

“AYSH ANO KA BA. Wala kang kasalanan!”, pagpipilit ko dito.

Nginitian na lang naman niya ko at bigla siyang may nilabas na parang papel.

Tatanungin ko n asana kung ano yun ng biglang dumating si Vivian at binigyan kami ng dalawang basong tubig.

Kinindatan niya ko at saka siya bumalik dun sa counter kasama yung manager namin. Para silang mga fangirls na ngayon lang nakakita ng lalaki. Jusko.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now