CHAPTER 30

3K 48 5
                                    

“Mrs. Blimey, we can’t take further actions. Unless there’s a strong evidence, hindi po natin pwedeng galawin si Athena.”, madiin na sabi ni Miss Graciel.

Hindi ko siguro alam ang gagawin kung wala si Miss Graciel. Sa lahat ng mga akusasyon nitong nanay ni Joanna, walang ibang naging paratang sakin kungdi isang parang napakasamang tao. Mabuti na lang at nandyan siya para protektahan ako. Lalo pang…wala pa rin ako sa tamang wisyo para harapin tong problema na to.

“STRONG EVIDENCE?! HA! Miss Graciel, ang sabi niyo dati, si John ko na lang ang hinihintay niyo para umaksyon kayo sa nangyari sa kanya! NOW that he confessed, ANO PA BA ANG KAILANGAN NIYONG EBIDENSYA??? Malinaw na malinaw na SI ATHENA ang tinuro ng anak ko!”, galit na galit na pagsesermon nitong si Mrs. Blimey.

“We understand that, of course. Pero wala si Athena sa mga hinihinalang suspect! She was even cleared out of the list! Napatunayan na natin yan!”, paglalaban naman ni Miss Graciel.

Nagkakaron na ng tension sa office ni Miss Graciel. Dalawa na silang nakatayo, parang mga tandang na handing sumabong. Samantalang ako, at si Joanna ay nakaupo lang…parehas na nakayuko.

“MISS GRACIEL. I told you before, I won’t tolerate this kind of treatment anymore. KUNG AYAW NIYONG GUMAWA NG HAKBANG, then I have no choice but to bring this case to court.”

Hindi ko naman magawang hindi magreact. KORTE?? Teka lang, hindi na pwede to!

“PO?! Mam…hindi naman po nating kailangan umabot sa ganun eh…wala naman po talaga akong kasalanan!”, desperada ko nang sabi dito.

“NO Miss Cojuangco. This is plain absurd. My son here….needs justice.”

+___+

Tumingin naman ako kay Miss Graciel for support, pero parang pati siya hindi na rin alam kung pano iko-control ang sitwasyon. Hinawakan na lang niya ang kamay ko ng mahigpit at tinignan niya ko na para bang sinasabi na siya na ang bahala.

“Give us one more week, Mrs. Blimey. Kapag hindi namin nahuli ang tunay na may sala…we’ll agree with you. Just…please. Maawa naman po kayo sa bata.”

Tinignan naman ako ni Mrs. Blimey na puno ng inis.

“Fine. ONE WEEK. Then after that, ang lawyer ko na ang kausapin niyo!”

Nagwalk-out na nga siya, hila-hila yung anak niya. Hindi naman nagpahila tong si Joanna, pero sumunod na lang siya.

Hindi ko naman nagpaawat na pigilan si Joanna. Kailangan ko talaga siyang makausap.

“Joanna, sandali!”

Tumingin naman siya sakin na may parehas ng mga inis na titig ng nanay niya.

“ANO?!”

Inipon ko ang lakas ng loob ko. Whew. Kalimutan mo na ang pride Athena. Go go go.

“Joanna….itigil mo na to please. Nagmamakaawa na ko sayo! Alam mong wala akong kasalanan sa nangyari!”, halos maglampaso na ko sa harapan niya.

Pero binalewala niya lang ako. Tiniklop nito ang mga braso niya at umiwas siya ng tingin sakin.

Hindi naman ako nagpatalo. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Nangangatog man ang boses ko, hindi ako papayag na sirain nila ang pagkatao ko ng ganto.

“JOANNA…Pag nalaman to ng nanay ko, hindi ko alam kung ano mangyayari dun. At saka…wala naman kaming pera para…sa abogado na yan eh. Ano pa ba ang kulang?? Nagpakita na kami sa inyo ng mga ebidensyang inosente ako! Kung…kung gusto mo, lumuhod pa ko eh!”

Hindi naman ako nagdalawang-isip na lumuhod na nga sa harap niya. Kahit na nasa hallway kami, wala akong pakialam kung may makakita sakin dito. Pakelam ko sa pride na yan, kinabukasan ko na ang nakataya dito!

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon