CHAPTER 26

3.5K 70 6
                                    

“Athena, tulungan na kita dyan!”, paghahabol nitong si Kian.

“Ahh, oh sige.”

Kinuha naman niya sakin yung mga librong dala-dala ko na hiniram ko sa library. Kailangan na kasi naming magstart sa project namin dahil nga due na siya before exams.

“Para san ba tong mga to?”, tanong nito.

“Ha? San pa, edi sa project natin. Wala pa kaya tayong nasisimulan.”

Napangiti naman siya bigla. Hala? Nagawa pang tumawa, eh ni wala pa nga kaming natatapos ditto sa Theology project na to! -__-

“Oh eh anong nginingiti mo dyan?”

“Ibalik mo na to. Everything has been settled. All we need to finish is our photoshoot.”, ngiti na naman niya sakin.

“WAIT, ANO? Settled? Eh wala pa nga tayong---“

“I contacted your mother for your birth certificate. Nakakuha na rin ako ng supposed-to-be godparents, I got a church, a priest, an invitation with all the participating guests at, yung liquidation of total fees for the wedding…tinapos ko na kagabi.”

O_O

Speechless naman ako bigla. All this time, inaayos pala ni Kian mag-isa ang project namin? Tapos ako, hindi ko man lang napansin? O di ko man lang natanong sa kanya?! Kaya pala lagi siyang busy lagi. -___-

“Eh, ba-bakit di mo ko…sinabihan man lang? Ano ka ba Kian, project natin yun.”, nauutal ko pang reklamo dito.

Pero as usual, nginitian niya lang ako.

“Just say thank you. Ayaw mo nun, konti na lang gagawin natin?”

“Di naman ako ganun kakapal no! Saka isa pa, partners nga tayo dito diba?! Eh di sana pala nagkanya-kanya na lang tayo!”

Di ko siya mapigilang irapan. Nakakainis kasi, bakit kailangan niyang magsolo flight???

“Hey. Di naman yun ang intension ko, Athena. I just thought I could lighten your mood swings by doing it alone. I’m sorry.”, paghahawak pa nito sa kamay ko.

“Mood…swings?”

“Oo. Napansin ko kasi, parang lagi kang wala sa sarili mo. Minsan, maiinis ka na lang sakin bigla…o kaya di mo ko kakausapin for no reason at all. Kaya sa halip na kulitin ka pa, I just thought I could give you some space…I’m sorry if you misunderstood….”

-_____-

Ano ba yan. Parang masyado na ata akong nagiging insensitive sa iba. T^T Isang lingo na rin kasi ang lumpias simula ng parang ang cold sakin ni TOP. Syempre, naba-bother ako. Hindi ko pala napapansin, pati si Kian nadadamay ko na. Ang totoo nyan, wala siyang ibang pinakita sakin kundi kabaitan simula ng nagging roommates kami. Hay nako, Athena.

School Rumble Volume 2: Romantic Mysteryजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें