CHAPTER 29

3K 70 7
                                    

Parang nabingi ata ako. Sana nga….nabibingi lang ako.

“B-b-bakit? Kasi…aalis ka?”

“Wala. Wala lang.”

O_O

“A-a-ano?”, halos bulong kong tanong sa kanya.

Tumingin naman siya sakin, diretso at seryoso.

“Itigil na natin to, Athena. Tutal, iba naman ang gusto mo diba? Saka, nakakasawa na din.”

Hindi ko naman malaman ang sasabihin ko. Nakakasawa? Ibang gusto? Nahihibang na ba tong lalaking to?!

Hinde. Malamang…nagbibiro lang to. Oo, baka nga nagbibiro lang si TOP.

“TOP naman eh. Ano bang sinasabi mo---“

“I’ll be heading to Paris to attend Chelsea’s wedding. Saka, I’ll be trained there for a few months. Wala na kong panahon makipaglaro sayo.”

O_O

“Laro? Sa tingin mo…nakikipaglaro lang ako?”, nag-iinit ko nang tanong sa kanya.

“Ako oo. Ewan ko sayo. Nakakabore kasi nung bakasyon, saka parang ang dali mong ma---“

Hindi ko napigilan. Sinampal ko siya sa pisngi niya sa abot ng makakakaya ko. LARO? LARO?!!!

Para naman siyang nanigas. Ni hindi siya gumalaw sa pagkakasampal ko sa kanya.Gusto ko sanang magsorry kaya lang…hindi na kasi talaga nakakatuwa ang mga biro niya.

“Hoy, halimaw. Magsabi ka nga ng totoo. Nantritrip ka lang no?? Dyan ka naman magaling eh!”, pagcoconvince ko pa sa sarili ko.

Since ayaw niya humarap, pinalo ko na lang to ulit sa balikat niya para mahimasmasan. Ayun, saka lang tumingin ulit sakin, ng dahan dahan.

“Totoo? Gusto mo ng totoo? FINE! There’s no sense in what I’m doing anymore!  Plus, there’s Kian para saluhin ka. Hindi mo rin naman ako gusto diba? Mas gusto mong lagi akong inaaway, papakatanga pa ba ko?!”

“Ha?? Alam mong hindi totoo yan!”

Tinaasan naman niya ko ng kilay at tiniklop nito ang mga braso nito.

“Eh anong totoo Athena? Sabihin mo nga. ANO NGA BA ANG TOTOO?”

Oras ko naman para hindi makasalita. Ano nga ba? Ano nga ba ang totoo Athena?!

UGH ANO BA YAN! BAKIT BA HIRAP KANG SABIHIN HA?! MAHIRAP BA TALAGANG SABIHIN NA GUSTO MO NA SI TOP!???

“See? Alam mo, it’s okay. Mauna na ko. Male-late pa kami sa flight namin.”

Shet. Shet. Shet. ><

“Wait lang TOP!”

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon