Chapter 1

46.3K 944 285
                                    




"Bakit dito sa lugar ang meet up ninyo?" tanong ni Kuya. Ako din naman nagtataka kung bakit sa ganitong lugar kami pinapapunta. Wala ibang makikita kundi mga puno at kalsada lang. Walang pinapakita na picture kung ano itsura ng camp, siguro masyadong private ang camp kaya ayaw ipakita sa labas ang camp. Well, swerte ko na lang dahil makikita ko ang loob ng camp.

"Kuya nandon sila oh!" turo ko sa grupo ng mga babae sa gilid ng kalsada. May mga nakaparada rin na sasakyan sa gilid.

"Paano 'yan dito ka na lang?" tumango ako kay Kuya habang kinukuha ang mga gamit ko.

"Wag mo ako mamiss Kuya ah?" ngising sabi ko, umiwas naman ako nang ibato ni Kuya ang isang candy. "Uy Kuya sayang 'yon!" siraulo ito.

"Edi pulutin mo." At dahil ako si masunurin y pinulot ko naman ang candy. Nakabalot pa naman kaya ayos pa.

"Girls! Punta na kayo rito!" tawag ng kung sino man. Tumingin ako kay Kuya.

"Kuya, mamimiss kita." sabi ko. Ngumiti sakin si Kuya at niyakap ako kaya niyakap ko rin sya pabalik.

"Pagbutihan mo ang paglalaro. Alam kong pangarap mo ito." napangiti ako.

"Oo naman. Ikaw naman ay pagbutihan mo ang panliligaw mo." napaaray ako nang hampasin nya ako sa likod. Letche itong si Kuya nung isang araw pa ito ah.

"Sige na, tinatawag na kayo roon." tumango ako at binitbit ang mga gamit ko. Hinintay ko munang makaalis ang kotse ni Kuya bago ako naglakad papunta sa nagkukumpulan na mga babae.

"Girls yung gamit ninyo pakibaba na lang dyan sa tabi. May kukuha nyan mamaya para dalhin sa camp. Ligyan lang ninyo ng label na sa inyo yan." sabi ni Ate Gail na nakasakay sa bike. Wow! Hindi ako makapaniwala nasa harap namin si Ate Gail. Ang ganda ganda nya!

Sinunod namin ang sinabi nya. Niligay namin sa gilid ang mga gamit namin at pinangalanan. Pagkatapos kong ligyan ng pangalan ko ang mga gamit ko ay tinignan ko ang mga kasamahan ko. Required din ba ang magaganda ang makakapasa rito? ang gaganda kasi nila. Hot chicks.

Nagawi ang tingin ko sa isang babae. Matangkad sya sakin kung titignan, maganda sya, as in sobrang ganda. Nagsta-standout ang kagandahan nya sa totoo lang. May kausap din syang magandang babae.

Tinawag ulit kami ni Ate Gail kaya lumapit kami sa kanya.

"By the way, I'm Gail Mendoza. Welcome sa Dragon Empire." nakangiting sabi nya. Kusa naman akong napangiti na proud na makapasa sa training na ito.  "Kung napapansin ninyo ay kaonti lang kayong nandito, so far kasi ay kayo lang ang nakapasa sa itra-train namin dito sa camp. Mahigit na hundreds ang sumubok na makapasok dito pero kayong sixteen lang ang nakapasa. Be proud of yourself dahil hindi madaling makapasa sa camp na ito. Madaming magagaling pero kayo ang nakapasok dito." sabi ni Ate Gail.

Wow mahirap nga talagang makapasa rito, ang daming sumubok pero ilan lang kaming nakapasa, sixteen? Grabe para five percent lang ng one hundred percent ang nakapasa sa mga sumubok na mag-training. Mabuti na lang talaga ay nakapasa ako rito.

"At hindi rin madali ang dadaanin ninyo sa training na ito. Syempre kung gaano kahirap makapasok dito, mas mahirap ang itra-train ninyo dito. Don't worry pare-parehas lang tayo dito ng pinagdaanan. Pero alam ninyo ba na magiging madali lang ang training ninyo kung may confidence kayo sa sarili ninyo na kaya ninyong gawin kahit alam ninyong mahirap. Kung lagi mo kasing iisipin na hindi mo kaya ang isang bagay paghihinaan ka talaga ng loob. Paano ka magiging isang magaling na basketball player kung sumusuko ka na. Isa yan sa dahilan kaya kayo nakapasok dito. Napansin namin na kayong sixteen ay desidido na makapasa sa camp na ito. Yung mga laro ninyo tambak na tambak na kayo pero patuloy pa din kayo sa paglaro. 'Yan ang isang kailangan sa team namin. Ang hindi sumusuko hangga't hindi pa tapos ang laban. Well, nadala kami sa laban against Miracle. Nag-celebrate agad kami kahit hindi pa tapos ang oras." nailing na sabi nya. "Grabe hindi pa din kaya kami makamove on kahit dalawang linggo na nakakalipas."

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon