Chapter 62

29K 850 374
                                    


Zoe's POV

Tahimik kaming nag-aalmusal na tatlo, ako, si Silva at Astra. Tulog pa ang iba kaya kaming tatlo palang ang gising ngayon.

Ang aga aga nakabasungot agad ang mukha ni Silva habang si Astra chill lang. Napailing ako. Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanila lalo na hindi ko katabi matulog si Astra kagabi.

Napatingin ako kay Silva dahil napatigil sya sa pagsubo ng pagkain at mahigpit ang pagkahawak nya sa kubyertos. Kagat-kagat nya din ang labi nya.

"May pupuntahan ka ba ngayon, Zoe?" napatingin ako kay Astra.

"Ah oo, lalabas ako kasama si Alexa." sagot ko. "Kayo ba?" tanong ko na pasimpleng tumingin kay Silva na masama ang tingin kay Astra pero namumula ang mukha nya. "Ayos ka lang ba Silva?" nag-aalalang tanong ko.

"O-oo." sagot nya at napakagat muli sa labi nya. Napakunot tuloy ang noo ko. Tatanungin ko pa sana sya nung tanungin ako ni Astra.

"Saan naman kayo pupunta?"

"Sa mall tapos sa amusement park." sagot ko. Kumagat ako ng tinapay.

"Fuck." napatingin ako kay Silva. Pulang pula talaga ang mukha nya.

"May sakit ka ba?" tumayo ako at hinawakan nya ang noo nya. "Hindi ka naman mainit." sabi ko.

"Anong oras ka aalis?"

Tumingin ako kay Astra. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba sya dahil nag-aalala ako kay Silva.

"Mamayang ten."

"E-excuse me." tumingin ako kay Silva na nagmamadaling umalis.

"Anong nangyari don?" tanong ko.

"Malay ko." nagdududang napatingin ako kay Astra.

"Oo nga pala, talaga bang itutuloy mo ang plano mo kay Silva?" umupo muli ako para makakain ulit. "Nakita ko kayong magkahalikan kahapon."

"Depende." sagot nya.

Isa din itong mahirap kausap eh.

"Saan ka pala natulog kagabi?" tanong ko.

"Sa kwarto ni Silva." agad akong napatingin sa kanya. "Wala pang nangyayari."

"Pa? talagang may balak ka." sabi ko at napailing.

Pagkatapos namin kumain ni Astra, naghanda na ako ng susuotin ko sa date namin ni Alexa. Nine na din ng umaga pero hindi pa din ako ligo. Iniisip ko kasi kung ano magandang suot dahil first date namin ito ni Alexa.

"Mas okay kung simple lang ang susuotin mo." sabi ni Astra na nakahiga sa kama. "Anong oras na oh."

Napatingin ako sa mga damit ko. "Bahala na nga. Maliligo na muna ako."

Tumayo sya pagkasabi ko non at sabay kaming pumasok ng banyo. Tinulungan nya akong tanggalin ang damit ko. Tutal nakashorts lang naman ako ay madali lang tanggalin kasama ang underwear.

Kalhating oras akong naligo na dati ay fifteen minutes lang tapos na ako maligo. Tinulungan ulit ako ni Astra magsuot ng damit. Sya na pinapili ko dahil talagang nahihirapan ako pumili. Kinakabahan kasi ako!

Naghintay na muna ako sa sala habang wala pa si Alexa. Wala pa namang alas dies. Nakinood ako ng Spongebob kasama sila Silva.

Nakarinig kami ng tunog ng doorbell. Tumingin agad ako sa orasan at makitang alas dies na ay ako na nagpresintang pupuntahan ang nagdoorbell at nagpaalam na sa kanila kung sakaling si Alexa na 'yon.

"Hi." nakangiting bati ko pagkakita ko kay Alexa. 

Pinagmasdan ko ang suot nya. Bagay na bagay ang suot nyang black loose polo sleeve at black jeans na tinernuhan nyang black boots. All black sya. Buti hindi din ako nagblack kundi magmumukha kaming dadalo ng lamay.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon