Chapter 57

24.9K 736 353
                                    


Zoe's POV

"OMG OMG OMG!" hindi mapakali na sabi nila Minerva nung dumating kami sa gym ng Miracle.

Natatawa ako sa excitement nila. Ngayon kasi ang araw na kakalabanin namin ang Miracle. Mga idol din kasi nila sila Ate Kill kaya sobra-sobra ang saya nila nung sinabi ko sa kanilang makakalaban namin ang Miracle.

"Hello Meteor." nakangiting bati ni Ate Dom.

"Hihimatayin ako, pakisalo ako." sabi ni Chi at naghimatay kuno pero walang sumalo sa kanya dahil na starstruck silang lahat kay Ate Dom. "Bakit hindi ninyo ako sinalo?!" sabi nya na matumba sya sa lupa.

Natatawa naman si Ate Dom sa kanila.

"Ate Dom pasensya na sa kanila." paumanhin ko.

"Wala 'yon, ano tara na sa loob?" ako na ang tumango sa kanya at sumunod kami sa kanya sa loob ng gym.

Pagdating namin doon ay lalo silang nastarstruck nang makita nila ang Miracle na nagpra-practice.

"Si idol White, OMG!"

"Ang gwapo ni Maki!"

"Ohmy ohmy si Sam my labs!"

Napatigil sa pra-practice ang Miracle dahil sa mga pinagsasabi nila Silva. Napailing ako.

"Ang Meteor. Welcome!" sabi ni Ate Sam at lumapit sila samin. Bumati naman kami sa kanila.

"Wala pa dito si Kill pero padating na 'yon baka naghomeymoon pa yung dalawa." sabi ni Ate Ashley.

"Ayos lang po 'yon. Maaga pa naman." nakangiting sagot ko.

"Mag-warm na muna kayo kung gusto ninyo."

"Pwedeng papicture muna?" request nila. Natawa naman sila Ate pero pinagbigyan nila sila Silva.

"Zoe!" mabilis na niyakap ako ni Ivy. Kasunod nya si Russel. Nagkangitian kaming dalawa.

"Galingan ninyo mamaya ah?" sabi ni Russel.

"Sure basta seryosohin ninyo ang laro kahit wala akong kanang braso kaya ko kayong talunin." natawa sila sa sinabi ko. "Oo nga pala, ano balita sa inyong dalawa? kayo na ba?" tanong ko.

Napaiwas ng tingin sakin si Ivy habang ngiti-ngiti naman si Russel. Nagtaas ng kaliwang kamay si Russel, nung una nagtaka ako pero nung makita ko ang singsing sa daliri nya. Nagulat ako at hindi ko maiwasan mapasigaw sa sobrang gulat.

"Kasal na kayong dalawa?!" hindi naman maiwasan mapatingin sakin ang mga kasamahan namin dito sa gym pero hindi ko sila pinansin.

"Uh-huh. Last month lang, sayang ka at hindi ka nakaabot, ikaw lang kaya ang wala sa batchmate natin." masayang sabi ni Russel.

"Wow." speechless ako don ah. Nakakagulat sila.

Ang bilis naman nilang magpakasal? at age of 21 or 22 kasal na sila? tsaka isang taon palang nakakalipas nang umalis kami sa camp. Paanong nangyari 'yon?

Hinila ako ni Russel para malayo sa mga kasamahan namin pero hindi sumunod samin si Ivy dahil nakisama na sya sa mga nagpipicture-an. Napansin ko din na may singsing sya sa kaliwang daliri nya.

"Alam kong nagtataka ka." sabi nya nang makalayo kami sa mga kasamahan namin.

"Buti alam mo." natawa sya sa sinabi ko. "Ang bilis naman kasi."

"Mahal kasi namin ang isa't isa." masayang sabi nya at proud na proud pa sya.

"Yuck." biro ko.

"Bitter." natawa kaming parehas. "Pero seryoso, nahuli kasi kami ng parents ni Ivy na you know." nagets ko naman agad kung ano 'yon. "Sa gulat nila at akala nila na mabubuntis ko si Ivy, pinakasal nila kami."

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon