Chapter 12

17.8K 643 178
                                    




Zoe's POV

"Grabe ang mga seniors, kakarating lang natin kahapon, training na agad tayo ngayon. Hindi man lang tayo pinag-enjoy man lang muna bago mag-training." sabi ni Louise.

"Naririnig ka namin, Louise." sabi ni Ate Noimi kaya nagsitawanan kaming lahat.

"Reklamo pa." sabi ko sa kanya. Nag-pout lang sya.

Nailing na lang ako. Naglalakad kaming lahat ngayon papunta sa hindi namin alam. Hindi sinabi ng mga seniors kung saan, basta kailangan humanda kami sa training namin ngayon dahil mahirap daw. Kailan pa naging madali ang training nila?

"Nanalo na naman ang Miracle against Falcon's Europe. Lamang lang ng limang puntos." sabi ni Ate Anya na nasa likod namin ni Louise.

"Mukhang mahirap ng talunin ang Miracle. Wala si Avey at Kill pero nananalo pa rin sila." sabi ni Ate Bea.

"Hindi 'yan. Kaya pa rin natin sila talunin." sabi ni Ate Abby.

"In your dreams." natawa ako sa sagot ni Ate Kill.

"Kapag natalo namin kayo sa Winter Cup who you ka samin." sabi ni Ate Shiela. Hindi na umimik si Ate Kill dahil nakatingin sya sa isang shop na nadaanan namin.

"May naalala lang yan. Wag nyo ng pansinin." sabi ni Ate Noimi. Hindi na lang kami umimik.

After two minutes na paglalakad nakarating kami sa pinakamataas na hagdanan. Wag nyong sabihin na aakyatin namin yan. Grabe na kung ganon! Ang taas-taas nyan oh! Aabutin kami ng syam-syam dito!

"Aakyatin natin 'yan." pagkasabi ni Ate Krystal 'yan ay nagreklamo agad kami. Ikaw kaya umakyat ng sobrang taas na hagdanan ito, tignan natin kung makakalhati ka.

"Wag na magreklamo. Pinagdaanan namin 'yan kaya kailangan nyo din gawin 'yan." sabi ni Ate Gail. Napasimangot naman kaming lahat.

"Ang taas naman kasi eh." reklamo ni Ivy.

"Mataas talaga. Mabuti nga ay hindi namin kayo pagbibilangin ng ilang palapag meron ang hagdan na 'to. Naawa kami sa inyo eh." sabi ni Ate Ali. Naawa pa sila sa lagay na 'yan ah?

"Ilang palapag ba meron 'yan?" tanong ni Aj.

"Seven hundreds and fifty-six steps lang naman." sabi ni Ate Joey.

"LANG?!" sigaw naming lahat pwera si Japan. Ang taas non tapos nila-lang nya lang? Wow!

"Sige magreklamo pa kayo. Kapag hindi kayo nakaakyat hanggang alas cuatro ng hapon wala kayong dinner." sabi ni Ate Juls tapos nangunang umakyat.

"Ayan na naman tayo sa pagkain eh. Tara na nga babe baka hindi ako makakain." sabi ni Ate Maybelle at hinila si Ate V paakyat.

Natawa naman kaming lahat. Pagdating sa pagkain walang inuurungan si Ate Maybelle, ang takaw pero hindi naman tumataba.

Nagsimula na kaming umakyat pero hindi kami nagmadali dahil maaga pa naman para sa alas cuatro. Nagkwe-kwentuhan kami at nag-aasaran paakyat. Ang dami nga kwento ng mga seniors sa pinagdaanan nila rito sa hagdanan na 'to. Nung malapit na raw mag-ala siyete ng gabi at nanganaglhati pa lang sila ay nagmadali silang sa pag-akyat halos magsidapaan na sila at hindi na binilang kung ilang palapag meron ang hagdan na 'to. Sinabi kasi ni Ate Juls ang sagot kaya safe sila at nakakain ng dinner. Panay kasi ang selfie at pahinga nila kaya ayan muntik na sila hindi makakain ng dinner.

"Dito rin may namumuong Juls and Shiela non eh." sabi ni Ate Ella. Namula naman yung dalawa. Ang cute!

Tumingin ako sa relo ko. Nagulat ako na ala una na pala. Bwisit parang kanina lang ten palang tapos ala una na? hayop wala pa kami sa kalhati. At mukhang hindi naman napansin ng mga kasamahan ko na ala una na pala at may tatlong oras na lang kaming natitira. 

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon