Chapter 36

15.6K 597 116
                                    


Zoe's POV

Inubos ko ang binigay ni Torey na tubig sakin. Pinanood ko ang mga naglalaro sa court. Nagpasub ako dahil naiirita na ako kay Steph. Simula kasi na makascore ako nang tatlong beses ay sya na ang bumantay sakin at sobrang dikit nya sakin. Hirap tuloy akong makascore at makapasa man lang.

Ayoko na ng gulo kaya nagpasub na ako. Akala ko pa naman malalamangan ko na si Steph pero ito ako ngayon nasa bench dahil hindi na naman ako makascore sa sobrang dikit nyang magbantay.

"Sayang, ganda na sana ng momentum mo kaso sobrang higpit ng bantay sayo ni Steph." sabi ni Pat.

"Oo nga eh, ewan ko dyan at trip akong ishut down." sabi ko. "Matatalo ko din yan."

"Lakas naman makafeeling." biro nya. Natawa kaming parehas.

Pinanood namin ang mga naglalaro. Si Japan ang binabantayan ngayon ni Steph. Hindi sya ganon kahigpit magbantay kay Japan pero hindi naman makawala sa kanya si Japan pero nakakascore pa din si Japan.

Natapos ang laro na panalo ang kabilang team. Nakipagshake hands kami pero si Steph hindi nakipagshake hands sakin. Ang ano naman non.

"Okay, dito na nagtatapos ang training natin. Nice game guys!" sabi ni Ate V.

"Nice game!" sigaw din namin. Kanya-kanya kaming bumalik sa dorm.

Kasabay ko lang sila Aj pumasok ng dorm nang makita naming bukas ang tv at nakaupo si Ate Kill.

"Ate Kill!" masayang sabi ko at nilapitan sya.

"Hey." sabi nya.

"Kill, ano ginagawa mo dito? 'di ba may laban kayo ngayon?" tanong ni Ate Maybelle nasa loob na kaming lahat at lahat sila binati si Ate Kill, ganon din sya.

"Tapos na kanina pa, gusto ko lang makausap si Zoe kaya ako pumunta dito." napatingin ako kay Ate Kill. "Doon tayo sa DBB." sabi nya sakin.

"Sige po."

Sabay kaming pumunta sa DBB. Tahimik lang kami nung una pero nagsalita din sya na ikinagulat ko. Syempre ang tahimik namin tapos bigla-bigla sya magsasalita.

"Ginagamit mo pa din yan?" tanong nya nung una hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya hanggang sa ituro nya ang wrist weight ko pala.

"Yup, nasanay na din kasi akong suot ito kaya hindi ko tinatanggal pwera sa maliligo at matutulog. Minsan nga po hindi ko napapansin na may pampabigat akong suot sa mga kamay at paa." sabi ko. Ang gaan na kasi nito para sakin kaya parang minsan wala akong suot na weights.

"Hmm.." napatigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Inangat nya ang suot nyang long sleeve. May suot din pala syang weights. "Ito na gamitin mo." tinanggal nya ang weights nya.

Kinuha ko 'yon at nagulat ako na mabigat ito. Alam nyo yung feeling na may dala kang isang balde ng tubig tapos dalawa pa? grabe suot-suot ni Ate Kill 'yon tapos parang wala lang sa kanya yung bigat.

"Hindi ata ako makakalaro ng maayos sa lagay nito, Ate Kill." sabi ko pero sinuot ko pa din.

"Two days naman kayong rest day kaya sanayin mo yan." sabi nya habang nakaluhod dahil kinukuha nya din pala ang weights nya sa ankle. Grabe halimaw na ata si Ate Kill, na kaya nya bitbitin ang mga weights na 'to na parang wala lang.

Sya na mismo nagkabit non sa ankle ko at grabe parang hindi ata ako makakalakad sa sobrang bigat. Nakasmirk si Ate Kill sakin dahil kitang kita sa mukha ko na sobra akong nahihirapan.

"I'll take this." tukoy nya sa mga weights ko pero hindi nya yon sinuot, dinala lang nya. "Magagamitin din ito ng mga teammates ko. Let's go." nauna syang naglakad saming dalawa.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon