Chapter 43

17.3K 587 296
                                    


Nandito ako sa kwarto nila Japan. Wala naman dito si Alexa kaya malaya akong lumalambing kay Japan na hanggang ngayon ay galit pa din sakin. Hindi nga ako kinakausap eh pero lagi naman kami magkatabi dahil sinusuyo ko nga sya. Iniiwasan ko na din ang sarili ko kanila Astra para lang kay Japan.

Na-realize ko kasi na mali nga talaga ang pinaggagawa ko. May girlfriend ako pero nagagawa kong tumigin sa iba. Wala akong pinagkaiba sa isang tunay na lalaki.

Nakasandal sa headboard si Japan habang naglalaro sa cellphone nya, actually, naglalaro kaming dalawa ng PUBG Mobile. Nakahiga ako habang naglalaro. Duo kami at miski isang wala pa kaming nachi-chicken dinner. Sabi nya kapag nakachicken dinner kami, papatawarin nya daw ako.

"Naman oh!" sabi ko nung mapatay ako sa laro. Si Japan na lang tuloy ang kumakalaban don sa sumugod samin. Pinanood ko na lang kung paano nya mapatay ang dalawang kalaban. Edi sya na.

Napatingin ako sa pintuan nung bumukas. Umiwas agad ako ng tingin nung makita ko si Alexa. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa character ni Japan.

"Alexa." napatingin ulit ako sa pintuan nung may pumasok ulit. Si Steph naman kasunod si Ivy na parang kakagaling lang sa iyak.

"Pwede ba?! tantanan mo na kami ni Alexa!" napaupo ako sa kinauupuan ko. Ngayon ko lang nakitang galit at sumisigaw si Ivy.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

"Wala kang pakialam." masungit na sabi ni Steph. Tsk.

"Nakita ko silang naghahalikan! really Alexa?! hindi ko aakalain na magagawa mo ito sakin!" sabi ni Ivy na patuloy na sa pag-iyak.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Let's go."

"Wa-wait." hindi ako nakaangal nung hinila ako ni Japan palabas ng kwarto nila.

"Problema nila 'yon. Labas tayo doon." sabi nya.

"Pero si Ivy..." malungkot na sabi ko.

Narinig ko naman syang napabuntong hininga. Hindi na sya nagsalita at hinila nya lang ako sa isang tahimik na lugar na kami lang ang tao.

Hindi ko alam na alam nya ang lugar na ito. Medyo malayo ito sa bahay. Punong puno ng iba't ibang bulaklak. May bench din na nakaharap sa fountain.

Naupo kaming dalawa sa bench. Nawala sa isip ko ang nangyari kanina dahil naaaliw ako sa nakikita ko. Nakalimutan ko na nga din na kasama ko si Japan.

"Anong paborito mong bulaklak, Japan?" tanong ko sa kanya. Nahuli ko syang nakatingin sakin at hindi man lang sya umiwas ng tingin nung mahuli ko sya, imbis ay ako ang umiwas ng tingin sa kanya.

"Wala." sagot nya. "Ikaw?" tanong nya.

Napangiti naman ako. "Tulips at Star Gazer lalo ang dilaw at puti." sabi ko. Hinanap ko ang bulaklak na nabanggit ko at hindi naman ako nabigong meron ito dito.

"May tanong ako. Nagkaroon ka na ba ng girlfriend dati?" pagbubukas usapan ni Japan. Natutuwa talaga ako kapag sya ang gumagawa ng paraan para magkausap kaming dalawa.

"Nagkaroon na, dalawa." sabi ko.

"Bakit kayo nagbreak?" napangiwi ako sa tanong nya. Ayokong malaman nya kung bakit. "Zoe." babala nya.

Napakamot ako ng ulo. "Kasalanan ko." nagtataka syang nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin. "Napapatingin kasi ako sa iba." napalunok ako pagkatapos kong sabihin ang katangang 'yon. Well, hindi lang una yung nangyari nung nakaraan dahil kahit dati pa ay napapatingin talaga ako sa mga magagandang babae kahit may girlfriend ako.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon