Chapter 47

18.3K 650 706
                                    



Zoe's POV

Natulala ako ng ilang segundo sa sinabi nya. Iniisip ko pa kung tama ang pagkarinig ko pero sobrang linaw naman ng pagkarinig ko. 

"Se-seryoso ka ba sa sinasabi mo?" takang tanong ko sa kanya. 

Hindi sya sumagot pero nakatingin lang sya sakin. Napasuklay ako ng buhok ko gamit ang kamay ko. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Alexa.."

"Magpapakatanga ako ngayon araw. Ito na ang huling beses na gagawin ko ito." sabi nya at lumapit sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumingala ako sa kanya dahil matangkad sya sakin lalo na suot nya ang heels nya.

"Pe-pero..." umiwas ako ng tingin. "Hindi ba mas lalo kang masasaktan sa gusto mo?" kaya nga hindi ko na pinilit pang makipag-ayos sa kanya dahil mas lalo ko lang sya masasaktan.

"Choice ko naman 'yon kaya hindi mo kailangan intindihin pa 'yon." sabi nya. "Ngayon lang, Zoe." napatingin ako sa kanya dahil narinig ko ang himig nyang boses na nagmamakaawa. Naging soft na din ang expression ng mukha nya.

Napakagat ako ng labi ko. Umatras ako ng isang hakbang para makahinga ng maayos dahil sobrang lapit nya sakin at hindi ako makapag-isip ng maayos. Ayoko syang masaktan pa lalo pero ano itong ginagawa nya? 

Nakita ko naman sa mukha nya ang lungkot na tila iiyak sa pag-atras ko.

Te-teka..iniisip nya bang tatanggihan ko sya kaya sya nagkakaganyan?

"Pumapayag ako." nakita ko naman na medyo nagliwanag ang mood nya. "Wa-wag ka lang malungkot." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi nya. 

Hinawakan nya ang kamay ko na nasa pisngi nya at napapikit sya. Pinagmasdan ko sya ng mabuti. Ngumiti ako.

"Wag kang cold ah? gusto ko ang amazona na Alexa." sabi ko. 

Inimulat nya ang mga mata nya at sinamaan ako ng tingin. Natawa ako lalo na nung pabalang nyang inalis ang kamay ko sa pisngi nya. Inirapan nya ako kaya napangiti ako.

Dinala ko ang kamay ko sa kamay nya at pinaintertwined ito. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din pala sya sakin.

"So..saan tayo?" tanong ko sa kanya. 

Tumingin naman sya sa paligid. Napatingin ako sa leeg nya tsaka ko naalala yung binigay ko sa kanyang necklace. Pinisil pisil ko ang kamay nya para kunin ang atensyon nya.

"Yung binigay ko. Dala mo ba?" tanong ko sa kanya. Napakunot noo nya. "Yung snowflakes necklace."

"Ah...oo." sabi nya at binitawan muna ang kamay ko para kunin ang necklace sa pouch na dala nya. Hindi ko na tinanong kung bakit nya dala 'yon.

Kinuha ko ang kwintas nya at pumwesto sa likuran nya. Isinuot ko sa kanya ang kwintas. Iniharap ko sya sakin.

"Beautiful." nakangiting sabi ko sa kanya.

Sya naman ay pinagmasdan ang kwintas. Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya sakin.

"Let's go?" aya ko. Tumango sya na ikasimangot ko. "Sabi ko sayo wag ka maging cold eh. Gusto ko yung mabangis na amazona."

Sinamaan nya ako ng tingin. "Amazona?" tumango tango ako. Mas lalo sumama ang tingin nya sakin.

"Bakit ba?" natatawa ako. "Cute cute mo nga eh." niyakap ko sya sa batok nya. "Girlfriend kita so pwede kitang halikan?" tanong ko at tumingin sa mga labi nya tapos sa mga mata nya.

Ngumiti ito. "Hindi." sabi nya at sabay tanggal ng mga kamay ko. Napasimangot ako.

"Baby naman eh." maktol ko tapos hindi makapaniwala syang tumingin sakin. Medyo namumula din ang pisngi nya. Mainit ba?

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon