Chapter 39

16K 610 183
                                    


Naka-fall in line kaming lahat dito sa gym na sobrang laki dahil tatlong court ang meron dito. Tahimik lang kami mga Dragon Empire rookies habang yung ibang rookies ay nag-uusap. Pinagmamasdan namin sila.

Karamihan sa Wyvern ay puro butch habang ilan lang sa tatlong Empire. Puro magaganda nga at gwapo sila. Wala kang makikitang panget eh. Pero ang iba sa kanila mahahalatang mayayabang dahil yung mga tingin nila mapanghamon pero madami pa din naman friendly sa kanila.

Napatingin kaming lahat sa stage nung dumating na ang limang captain kasama ang mga vice-captain nila.

"Aba ayos ah. Ang tatahimik naman ng mga Dragon Empire." sabi ni Ate Valen. Dahil sa sinabi ni Ate Valen napatingin tuloy samin ang lahat.

"Disiplinado kasi sila." sabi ni Ate Abby.

"Edi kayo na." sabi ni Ate Camille.

"Ngayong araw magaganap ang unang laban ninyo. Bawat team makakalaban ang lahat ng team at kada panalo ay may points 'yon dahil kapag natapos ang isang buwan natin dito ay makakatanggap ng reward ang mananalo. Kada matatalo naman sa laro ay may parusang matatanggap at ang parusang iyon ay...." pabitin na sabi ni Ate Ella.

"Walang dinner!" masayang sabi ni Ate Valen.

"Huh?!" sigaw namin lahat. Madaming nagreklamo samin dahil dinner 'yon! hindi ko kakayanin na hindi kumakain ng dinner lalo pagkatapos ng laro.

"Biro lang! masyado kayong ano dyan." natatawang sabi ni Ate Valen. "Tatakbo lang kayo dyan sa hills na nasa tabi ng gym." sabi nya. "Five times."

"Shet." natawa ang mga captain at vice-captain sa reaction namin.

Nakita ko din kasi ang hills na tinutukoy ni Ate Valen. Mataas din ito at mahirap din akyatin, bago ka pa nga makarating ng tuktok gugulong ka na paibaba.

"Alright! let's start! Dragon Empire versus Wyvern Empire, Qilin Empire versus Mušḫuššu Empire, standby muna ang Bisilisk Empire. Hoy kayo, mag-referee kayo." sabi ni Ate Dawn sa mga vice-captain.

"Aba! mag-scorer kayo." utos naman ng vice-captain ng Wyvern Empire.

Pumunta na kami sa isang bench sa isang court. 

"Oh oo nga pala! hindi namin kayo tuturuan ah? kayo bahala dumiskarte." sabi Ate Ella. 

Tumingin ako sa mga kasamahan ko. "Sino first five natin?" tanong ko pero walang sumagot sa kanya. Sinamaan ko sila ng mga tingin. "Hoy ano? walang magsasalita? hindi nyo man lang ba naisip yung parusa? ano akala nyo madali lang 'yon? umayos kayo ah baka sapakin ko kayo." sabi ko sa kanila.

"Chill! masyado kang hot, ang aga-aga eh." sabi ni Nikki. Napabuntong hininga ako.

"Hindi matatawag na teamwork 'to kung wala sa inyo magsasalita. Paano natin malalaman kung sino ang first five natin? hindi naman pwede isala lang na hindi pinag-iisipan dahil mamaya magsisihan pa." sabi ko sa kanila.

"Sabi ko sa inyo! magiging captain itong si Zoe!" sabi ni Aj. Napakunot ang noo ko.

"Tumahimik ka dyan, Aj. Kung ano-ano pinagsasabi mo dyan." captain? ulol nila.

"Ikaw na bahala kung sino ang first five natin." nagulat ako nung nagsalita si Alexa.

"Bakit sya ang pipili?" tanong ni Steph. Epal.

"Gusto mo ikaw na lang." sabi ni Aj na mukhang hindi napansin na badtrip talaga sakin si Steph.

"Alexa, Xenon, ako, Aj at Russel. Yan ang first five. Gen at Steph iobserve nyo ang kalaban." sabi ni Japan.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon