Chapter 53

18.6K 693 274
                                    



"Ayoko na!" sabi ni Silva at humilata sa sahig ng gym kasama ang iba naming miyembro.

Natatawa naman akong nakatingin sa kanila. Ilang araw na namin ginagawa ito pero hindi pa din sila sanay.

Tumingin ako kay Astra na umiinom ng tubig. Napansin nya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin sya sakin. Ngumiti sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ang...ang hirap!" sabi ng isang miyembro namin.

"Masasanay din kayo." sabi ko sa kanila.

"Grabe pala kahirap ang dinadanas ninyo sa camp." sabi ni Silva. Napangiti ako.

"Wala pa tayo sa training namin doon. Kungbaga five percent palang ng ginagawa natin ang ginagawa namin doon." napa-huh silang lahat. Natawa ako dahil sa reaction nila.

"Seryoso?" tumango ako. Napamura sya at humiga ulit. Nailing ako.

Sa ilang araw naming pagpra-practice, nakikita ko na unti-unti na nag-iimprove ang Meteor. Mas naeenjoy na nga daw nilang mag-practice dahil sa mga bagong gamit at dahil na rin daw samin ni Astra. Hindi ko alam kung binobola lang kami ng mga 'to eh.

Naglakad ako patungo sa bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text o tawag sakin si Japan. Sabi nya kasi nasa Mušḫuššu camp na sila.

Nakita kong may text si Japan na bukas daw sila pupunta dito. Ayos.

"Akala ko ba break na kayo?" nagulantang ako na may magsalita sa likuran ko at malapit pa sa tainga ko.

Nanlaki ang mga mata ko na paglingon ko sa kanya ay nahalikan ko ang mga labi nya. Agad akong lumayo sa kanya habang pulang pula ang mukha ko.

Nakangisi naman si Astra sakin at may panuksong tingin.

"Bakit pala sila pupunta dito bukas?" tanong na lang nya at umupo sa tabi ng bag ko. Pinunasan nya ang buhok nya ng towel. Kahit pagpunas lang ng towel, may mapang-akit na taglay ang isang 'to.

"Ah niyaya ko silang makipaglaro satin. Naisip ko na puro tayo-tayo lang yung nagkakalaban kaya niyaya ko sila para masubukan natin kung ano naging improve ng Meteor." sagot ko at umupo sa tabi din ng bag ko. Bali nasa gitna namin ang bag ko.

"Hmm..nandon ba si Alexa?" pangalan pa lang nya bumilis agad ang tibok ng puso ko. Shit.

"Wa-wala. Umalis sya ng Dragon Empire." sabi ko. Napansin kong napatingin sya sakin pero hindi ko sya nilingon.

Maya-maya tumayo sya at nilapitan ang mga kasamahan namin. Pinagmasdan ko sya habang kinakausap sila Silva. Bigla syang napatingin sa gawi ko at alam kong nahuli nya akong nakatingin sa kanya kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Uminom ako ng tubig para mawala yung pamumula ng mukha ko.

Kinabukasan dumating sa bahay namin sila Japan. Nagulat ako na nandito sila dahil hindi ko naman nasabi sa kanila kung saan kami nakatira. Balak ko kasi na susunduin na lang sila kaso nandito na sila.

Hindi malaki ang bahay namin kaya yung iba samin especially yung mga seniors ay nasa labas ng bahay kausap si Mama at lola.

"Zoe!" tuwang tuwang lumapit sakin si Aj. Nag-stay talaga sya sa Dragon Empire.

Halos kalhati din samin ang umalis sa camp.

"Kamusta ka Zoe?" tanong ni Gen. Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot.

"Ayos naman. Kayo?" umupo ako sa tabi ni Japan.

"Mas mahirap pala yung training kapag isa ka ng miyembro ng Dragon Empire. Pamatay." sabi ni Kiara. Natawa naman ako. Walang seniors dito kaya nagawa nilang sabihin yan.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon