Chapter 7

22.7K 686 85
                                    




"What the hell! Grabe naman ang pinapagawa nila satin. Ano connect nito sa basketball?" natawa ako sa reklamo ni Jayden. Halos kakaumpisa palang namin pero kung magreklamo akala mo naman ilang oras na nagbubunot ng damo.

Yeah tama nagbubunot ng damo, hindi ko na alam kung bakit ito ang pinapagawa samin nila Ate Abby. Tama si Jayden, ano connect nito sa basketball? Parang pinagtratrabaho lang kami rito.

"Baka naman kasama ito sa training." sabi ni Kiara.

"Heck! Magbunot ng damo, training?! Wag mo akong pinagloloko Kiara!" sigaw ni Jayden. Binato sya ni Louise ng bato sa mukha pero maliit lang.

"Manahimik ka dyan peste ka! Kung magrereklamo ka roon ka kanila Ate Abby, wag samin!" sigaw din ni Louise. Napalunok ako sa kada bunot nya ng damo, parang syang may sinasabunutan na buhok. Nakakatakot.

"Hey." umangat tingin ko. Nginitian ko sya. "Water?"

"Oh thanks pero hindi pa ako inuuhaw." kakaumpisa lang namin kaya hindi pa ako pagod.

Tumingin ako kay Torey na tumabi sakin at nagbunot ng damo.

"Sa tingin mo bakit ito ang pinagawa satin?" tanong nya. Nakitbitbalikat ako at nagbunot na rin ng damo.

"Baka wala yung naggagawa nito kaya satin pinagawa." she chuckled kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sakin at nilapit nya ang mukha nya sakin kaya napaatras ako.

"There is something on your face, sweetie." sabi nya at pinunasan ang mukha ko.

"Ah thanks." napatingin ako sa ulo nya na may dumapo. "Sayo rin, merong ano sa ulo mo."

"Anong ano? pakitanggal." umiling ako at tumayo.

"No, ikaw na lang." kumunot ang noo nya. Nginitian ko lang sya.

"Bakit? ano bang meron sa ulo ko?" tanong nya. 

"Ipis lang naman." naestatwa sya at hindi makagalaw. Natawa ako at nagsimula ng lumakad palayo sa kanya. Mamaya dumapo pa sakin yung ipis. Nagtataka ako kung saan nakuha 'yon.

"Zo-Zoe! Tu-tulungan mo ko..." maiyak-iyak na sabi nya. Akala ko isa na yang lalaki pero hindi rin pala. Pusong babae pa rin.

"Kaya mo na 'yan o kaya ipatanggal mo sa taong nagligay nyan sayo." tumingin ako kay Jayden na pinipigilan ang tawa.

"Ang sama, iniwan mo na nakaganon 'yon." nginitian ko si Ivy. Sa kanya ako lumapit, malayong malayo kay Torey.

"Takot din ako sa ipis eh." napakamot ako ng ulo. Ayoko naman iwan ng ganon si Torey dahil halatang takot na takot sya sa ipis eh ang kaso takot din ako kaya sorry na lang.

"Nasaan pala si Alexa?" walang amazona akong naririnig kaya nakakapagtataka kung nasaan 'yon.

"Uy hinahanap." nginitian ko lang si Ivy. Alam kong aasarin lang nila ako kay Alexa pero hinahayaan ko lang.

"Fuck you ka Jay!" sabay kaming napatingin ni Ivy kanila Torey at Jayden na naghahabulan. "Papatayin kita, gago ka!"

"I love you men!" natatawang sabi ni Jayden. Tinaasan lang sya ng middle finger ni Torey habang naghahabulan sila. Matatapos kaya kami sa pinapagawa nila Ate Abby?

"Anong nangyari sa kanila?" biglang sulpot ang amazona. Napatingin ako sa dala nyang kahon.

"Anong laman nyan?" tanong ko.

"Bola ng tennis." kumunot ang noo namin ni Ivy. Aanuhin namin 'yon? "Magsasanay tayo gamit ito." tapos nakakitbitbalikat sya.

"What kind of training naman?" takang tanong ni Ivy.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon