Chapter 22

18.2K 599 252
                                    



Zoe's POV

Tumingin ako kay Jayden na hinaharot si Louise. Naiirita naman sa kanya si Louise. Bigla ko naisip ang sinabi ni Ate Juls nung nakaraan.

Ako na may gusto kay Alexa at Japan. Si Louise kay Torey tapos si Jayden may gusto kay Louise. Habang si Alexa ay may gusto sakin. Paano naman kaya yung iba? sino ang nagugustahan nila?

Tumingin ako kanila Ivy at Kiara na nag-uusap na dalawa. Si Torey, Alexa at Japan na nagpapahinga sa gilid. Parang naman wala nagkakagustuhan sa mga 'to.

Sumandal ako sa puno na nasa likod ko at pinagmasdan ang mga kateammates ko. Ngayong training pinaghiwalay ang blue team at red team. Magkaibang training din ang Miracles. Ang mga seniors na nakaassign sa bawat team lang ang nandito.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong ni Ate Abby. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala lang." sagot ko. Tumabi sya sakin pero hindi sya sumandal sa puno.

"Alam mo, kakaiba ang team ninyo." napatingin ako kay Ate Abby.

"Dahil may circle of love kuno?" she chuckled.

"So may nagsabi na sayo nyan?" nakangiting tanong nya.

"Ibigsabihin alam ninyong lahat na may ganon sa team namin?" tumango sya. Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi nga?!" akala ko si Ate Juls lang. Natawa si Ate Abby.

"Yung iba kasi sa team ninyo ay umamin samin at doon namin napansin na umiikot lang ang mga crush nila sa team ninyo. Doon namin nasabi na may circle of love ang team ninyo." sabi ni Ate Abby.

"May umamin sa inyo? sino?" ginulo nya buhok ko kaya napasimangot ako.

"Hindi ko pwedeng sabihin. Sinabihan nila kami na isekreto ang inamin nila samin." napasimangot ako. So totoo ngang may ganon sa team namin. Hindi trip-trip lang ng mga seniors.

"Si Japan. Umamin din ba sa inyo?" tanong ko.

"Kay Kill lang sya umamin pero sinadya nyang sabihin din samin 'yon kaya alam din namin." sagot nya. "Wag kang mag-alala hindi ikaw ang gusto nya."

"What?! hindi ako?!" natawa si Ate Abby sa reaction ko. "Ate Abby! seryoso?" parang akong batang hindi pinayagan kumain ng chocolate sa harap ni Ate Abby. Kasi naman eh! hindi ako gusto ni Japan!

"Back to training na tayo." pag-iiwas nya at naunang bumalik sa court. Nakasimangot akong sumunod sa kanya.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Kiara.

"Wala." inis na sabi ko. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Kiara na parang sumusuko.

"Easy." natatawang sabi nya. Napasimangot ako lalo.

Tumingin ako kay Japan na nakikinig sa instruction ni Ate Noimi. Seryoso kaya si Ate Abby na hindi ako ang nagugustuhan ni Japan? nakakaasar naman.

"Alexa and Zoe tapos Jayden and Kiara. Ayun ang magkakapartner." nagtaka ako kay Ate Shiela kung bakit nya nabanggit ang pangalan ko at si Alexa ang partner ko pero para saan naman?

"Ano raw?" tanong ko kay Louise. Inirapan nya muna ako bago sumagot.

"Hindi kasi nakikinig eh. Mamimili tayo ng pagkain at ipagluluto sila."

"Huh? Part pa ba 'yon ng training?"

"Hindi ka talaga nakikinig. Parusa 'yon satin ng mga seniors dahil late tayong gumising at lutang tayo sa training." sabi nya.

"Ganon ba?" napakamot na lang ako ng ulo. Paanong hindi kasi magiging lutang, anong oras na kaming natulog tapos maaga kaming gigising.

"Sige na, umalis na kayo at sarapan ninyo ang luto ninyo." sabi ni Ate Maybelle. Sus excited lang sya sa pagkain.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon