Chapter 49

17.6K 613 172
                                    



Zoe's POV

Nasa outdoor court kaming lahat ng Red Team habang hinihintay na tawagin kami para pumasok sa loob ng gym. Kakatapos lang ng laban ng Blue Team sa mga seniors ng Red Team. Ang nanalo ay ang mga seniors pero hindi nalalayo ang score nila.

Ito na. Ito na ang araw para ipakita na namin ang pinaghirapan naming training dito sa camp. Laban sa mga seniors ng Blue Team at ang Red Team.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ko aakalain na hindi lang pala ang dating miyembro ng Dragon Empire at mga dating rookies ang manonood, kasama ang pamilya namin. Nagulat ako nung inaannounce ng mga seniors ang tungkol don. Nag-aalala tuloy ako kung nakapunta sila Mama dahil malayo ang byahe nila.

"Psst." lumingon ako sa gilid ko na kung saan katabi ko si Louise. "Walang nagle-lead satin."

Tumingin ako sa mga kasamahan naming tahimik lang na naghihintay. Noon kapag ganito may nagle-lead na samin at si Alexa 'yon pero nung nagbago si Alexa wala ng naglead pa samin, paminsan minsan si Japan pero kadalasan ay bahala na kung ano mangyayari.

"Girls, ready na ba kayo?" lahat kami ay napatingin sa pintuan ng gym. Nakatayo don si Ate Abby kasama si Ate Juls.

"Sa tingin ko." sagot ni Kiara at tumingin pa samin.

"Hey, cheer up! ang seryoso ninyo masyado." nakangiting sabi ni Ate Juls.

"Sila lang 'yon." sabat pa din ni Kiara. "Excited na nga ako eh."

"Buti pa si Kiara." sabi ni Ate Abby. "Kabado ba kayo?"

"Hindi po." sagot ni Louise. "Ganito lang talaga kami, Ate."

"Seryoso? nga pala sino ang first five ninyo? naibigay na ba ninyo kay Kyle kung sino ang unang maglalaro?" sa tanong ni Ate Abby ay walang sumagot samin.

Oh 'di ba? kapag walang naglead walang mangyayari.

"Ready ba kayong lumaban?" nakunot noong tanong ni Ate Juls nang wala silang nakuhang sagot samin.

"Syempre naman po yun nga lang, hindi namin napag-usapan kung sino ang first five." sabi ko. Wala talaga kaming pag-uusapan dahil ang tahimik namin dito at sa tingin ko ay kapag nagsalita ako ay walang papansin sakin, meron man si Kiara lang at Louise.

Nagkatinginan ang dalawa tsaka sila tumingin samin.

"Kami na ang bahala sa first five ninyo laban kanila Ella basta galingan ninyo para manalo sa kanila." tumango kami sa kanila.

Nagpaalam na silang babalik na sa loob at sinabing maya-maya lang ay tatawagin na kami.

Lumuhod ako para ayusin ang sapatos ko. Isang Nike Lebron James ang suot ko at kulay red. All red nga ako pati medias ko at wristband para masilaw ang kalaban. 

Natawa ako sa naisip ko at tumayo. Pansin ko ang tahimik ng mga kasamahan ko. Si Japan at Alexa alam kong tahimik talaga sila pero yung iba, hindi ko alam kung bakit. Ano kaya ang iniisip ng mga ito?

Napatingin ako kay Louise na bumuntong hininga. Nakatingin sya kay Torey. Nag-away ba sila?

"Game na." sabi ni Ate Juls at binuksan ang pintuan para makapasok kami. "Goodluck girls. Ipakita ninyo kung ano ang natutunan ninyo samin." ngumiti kami sa kanya.

"Nandito na ang Red Team Rookies!" boses ni Kuya Kyle iyon.

Nagpapalakpan ang mga taong nanonood pagkapasok namin sa gym. Agad kong hinanap sila Mama. Madami din ang taong manonood, kasama na nila ang Blue Team rookies na katabi ang pamilya nila at ang mga Blue Team Seniors.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon