Chapter 4

23.8K 713 80
                                    


Kill's POV

"Grabe talaga yang girlfriend mo Kill pahirap. Buti hindi ginawa 'yan satin dati." sabi ni Zeke sakin.

"Pero ginagawa nya 'yan samin." napatingin sya sakin.

"Seryoso? Shet." natawa ako. Takot na takot talaga sila sa mga pinaggagawa ni Avey. Sa katunayan pa nga ay nai-improve ang skills namin sa tuwing pinapagawa ni Avey ang ganon klaseng thrill pero hindi lahat pinapagawa nya dahil baka masobrahan kami kung palagi.

"Natakot talaga sila sa thrill ni Avey. Tignan ninyo naman ang laban nila, walang pinapalusutan. Ayaw nilang magpatalo." sabi ni Sharm.

"Sinong hindi matatakot eh ang hirap ng pinapagawa ni Avey." sabat ni V.

"Grabe kayo sakin. Si baby nga nagagawa nila 'yon." sabi ni Avey.

"Pinapagawa sa inyo 'yon bear? Kawawa naman kayo." sabi ni Shiela. Nakitbitbalikat ako. Sanay naman kami pero napapagod din.

"Bantayan ninyo si Jay!" sigaw ni Torey. Hinabol nila si Jayden na papunta sa court nila. Naharangan ni Russel si Jayden kaya napahinto sa pagtakbo at ipinasa na lang ni Jayden ang bola kay Alexa at tinira ito. Pasok ang bola.

49-51 ang score lamang ang White team.

"Kaya pa 'yan!" pinasa ni Yuri ang bola kay Nikki. Hinarangan ni Patricia si Nikki pero nalusutan pa rin sya. Tumakbo sya papunta sa ring at nung malapit na sya sa ring ay hinarangan sya ni Aj at Jayden. Ipinasa na lang ni Nikki ang bola kay Russel na open pero naharangan ni Zoe at sa kanya napunta ang bola. Tumakbo sya papunta sa court ng kalaban. Hinarangan sya ni Japan.

"Little you vs little me." sambit ni Avey. Hinawakan ko ang kamay nya at pina-intertwined. Hindi ko na lang pinansin na sinasabi nilang little me ko si Japan habang sya ay si Zoe.

Nag-fake shoot si Zoe kaya napatalon si Japan. Nung pababa na si Japan ay doon lang sya ng shoot at pasok 'yon.

"Wala ka pala sa little me ko." sabi ni Avey. Kiniss ko lang ang kamay nya. Masyado pang maaga para sabihin na magaling nga si Zoe kay Japan.

Ipinasa ni Russel kay Japan ang bola. Naharangan sya ni Aj pero nakalagpas sya. Hinarangan sya ni Zoe at Alexa. Hindi sya makakawala sa dalawa dahil mahigpit ang bantay nila. Bigla nagbago ang pagdribble nya, animo'y nagslow motion sakin kung paano nya idribble ang bola at kumilos pa kaliwa na sinundan ni Alexa tapos tumigil ito kaya natumba si Alexa. Humarang naman si Zoe sa gitna nila ni Alexa. Sinubukan nyang tapikin ang bola pero naiwasan ni Japan ang bola. Kumanan sya kay Zoe na sinundan ni Zoe. Katulad kanina ay tumigil si Japan at natumba si Zoe sa pagtigil nito. Lahat na gulat sa ginawa nya kaya kinuha nya ang pagkakataon para magtres. Hindi sya nakatingin sa ring nung shinoot nya 'yon, kay Zoe sya nakatingin. Tumingin ako sa ring. Pumasok ang bola.

"What the..." sabi ng mga nasa bench na rookies. Lahat sila nakatingin kay Japan.

"Now, who's nothing to my little me?" ngising sabi ko kay Avey na isa ding nagulat.

"Sabi ko na ikaw talaga 'yan Kill eh! Kapatid mo ba si Japan at magkatulad na magkatulad kayo?" unang nakabawi sa lahat ay si Anya.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko. Tumingin ako kay Japan. Nakatingin sya sakin. Nginitian ko sya at tumango sya bago tumakbo papunta sa court ng kalaban.

Natauhan na ang lahat pero hindi nila maiwasan na hindi mapahanga. Sinasabi nila Shiela na halos magkatulad kami ni Japan. Sinasabi lang nila 'yan dahil parehas kaming hindi napapabilang sa first five at isa ring malamig na tao si Japan. Nadagdagan pa ang pagkakatulad namin dahil magaling mag-ankle break si Japan na nagawa nya sa dalawang tao. Hindi madali mag-ankle break lalo na kung dalawang tao ang patutumbahin mo kaya siguradong hasa na si Japan mag-ankle break katulad ko.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon