Chapter 2

32.2K 832 124
                                    



Pumasok ako sa room namin, wala pa ang ka-roommate ko kaya naisipan kong maligo muna dahil nilalagkit na ako. Pagkatapos kong maligo, lumabas akong nakatapis lang dahil naiwan ko ang susuotin ko. Nagpupunas ako ng buhok na lumabas.

Nanlaki ang mga mata ko nung makakita akong lalaki.

"Anong ginagawa mo rito?! Paano ka nakapasok?! Waah!! May lalaki!!" tarantang binato ko sa kanya ang twalya na pinagpapunas sa buhok ko at pumunta sa banyo. Gosh! Bakit may lalaki rito?! Oh my gosh! Mabuti na lang ay nakatapis pa ako kundi nakita nya na akong walang suot na damit sa katawan!

Ano ba kasing ginagawa ng lalaking 'yon dito? Akala ko ba for only girls lang ang camp na 'to bakit may lalaki?

"Hey what happened?" rinig ko mula sa labas. Sumilip ako sa pinto at nakita ko si Ate Rachel at Ate Noimi.

"Ate may lalaking nakapasok!" panunumbong ko.

"Huh? Nasaan?" kumunot ang noo ko. Hindi ba nila nakikita, nasa harapan lang nila.

"Ayan ah." turo ko sa lalaki.

Natawa si Ate Noimi habang naiiling naman si Ate Rachel. Hala bakit?

"Hindi sya lalaki, babae sya. Lesbian, butch, tomboy ganon." sabi ni Ate Rachel.

"Weh?! Parang syang lalaki eh!" gwapo to be exact kaya sa unang tingin ay mapagkakaila mo talagang lalaki sya.

"Kaya nga butch, cross dresser eh." sabi ni Ate Rachel. Napasimangot ako. Aba malay ko ba, ang gwapo nya kasi eh.

"Akala ko kung ano na nangyari at tsaka bakit nakasilip ka dyan?" tanong ni Ate Noimi. Bigla akong namula.

"Ah..nakatapis lang ako Ate eh naiwan ko sa bag ang susuotin ko." namumula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.

"Ah kaya ka napasigaw dahil akala mo ay nasilipan ka na nito ni Japan." sabi ni Ate Noimi at natawa pa sa pagbanggit ng Japan. Miski ako matatawa nung una. Kasi naman ang daming pwedeng ipangalan Japan talaga? Proud to be Japanese?

"Ito ba ang bag mo?" tumango ako kay Ate Rachel. Ibinigay nya sakin ang bag ko kaya agad ako nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng banyo. Wala na sila Ate Rachel nung lumabas ako. Tumingin ako kay Japan na nakahiga na sa kama. I guess nakapili na sya ng hihigaan nya.

Inayos ko ang mga gamit ko. Ayos na rin ang gamit ni Japan. Ang bilis nyang mag-ayos parang kalhating oras lang akong naligo sa banyo nakaayos na ang mga gamit nya.

Pinagmasdan ko si Japan na kumuha ng damit nya at pumasok ng banyo. Parang talaga syang lalaki. Ni wala nga akong mapansin na pagkababae sa kanya. Flat chested kasi sya kaya unang tingin lalaking lalaki sya kung hindi pa sasabihin na babae sya na nilalaki lang hindi pa malalaman na babae talaga sya.

Inisip ko kung naging girly si Japan ay maganda siguro sya. Ang gwapo nya kasi tapos ang puti pa, sigurado habulin 'to ng babae.

Pagkatapos kong mag-ayos ay saktong tapos na rin maligo si Japan. Ayun ang ugaling babae ang napansin ko sa kanya dahil halos isang oras syang nasa loob ng banyo. Tumingin ako sa pinto na may kumatok. Tutal si Japan ang nakatayo ay sya na ang nagbukas ng pinto.

"Hello Japan, Zoe baba na kayo at ito-tour na namin kayo sa camp." sabi ni Ate Juls. Tumango kaming parehas ni Japan.

Kinuha ko ang cellphone ko at wallet ko tsaka ako bumaba. Naiwan pa si Japan sa loob dahil may kukunin pa ata. Halos nasa baba na ang lahat, si Japan na lang ang wala pa. Nilapitan ko si Louise na nakabusangot ang mukha

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon