Chapter 42

18.3K 687 798
                                    


Japan's POV

"Anong ginawa mo para mapagsundo ang dalawang iyan?" lumingon ako sa tabi ko nung magsalita si Ate Abby. Kasama kong pinapanood silang dalawa ni Ate Gail.

"Edi binalaan ko silang wag lumapit kay Alexa dahil si Alexa lang naman ang pinagtatalunan nilang dalawa. Buti nga sumunod sila sakin dahil seryoso talaga ako." sabi ni Ate Gail.

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa. Hindi sila parehas na nag-iimikan na dalawa, hindi katulad sa unang laban nila na panay sila bangayan. Nagbibigayan na din silang dalawa na hindi ko ineexpect na mangyayari sa kanila.

"Nakakastress silang dalawa." sabi ni Ate Abby. "Ito naman si Zoe, may girlfriend na-aray! bakit?" hindi man ako lumingon pero alam kong nakatingin silang dalawa sakin. "Oops."

Napasmirk naman ako ng tipid.

"Wow! lamang tayo." boses palang kilala ko na pero nilingon ko pa din sya. Tumingin sya sakin at ngumiti. Tumabi sya sa tabi ko.

"Himalang hindi sila nagbabangayan." sya din ang dating ni Ivy at Alexa.

"Kamusta? ang tagal bago matapos ang contest ninyo ah." sabi ni Ate Abby.

"'Te! hanep ang dalawang yan! ayaw magpatalo." sabi ni Louise. Tumingin ako kay Alexa. Nakatingin sya sa naglalaro.

"Oo nga, puro sila perfect score kaya napagdesisyunan tuloy na silang dalawa na ang panalo dahil wala sa kanila ang gustong magpatalo." sabi ni Ivy na halatang proud na proud kay Alexa.

"Ayos yan! ang galing talaga ng Alexa natin." sabi ni Ate Gail at inakbayan pa si Alexa. "Kaya ka pinag-aawayan eh." makahulugan na sabi ni Ate Gail. Nagtataka si Ivy at Alexa pero natawa si Louise.

"So true, Ate." sabi nya pa. Tumingin ako sa kanya pero nginitian nya lang ako at bumalik sa naglalaro ang tingin.

Kumunot noo ko pero hindi ko na lang pinansin pa.

Natapos ang laro nila Zoe. Panalo sila laban sa Wyvern. Nagtaka kaming lahat nung hindi lumapit si Steph kay Alexa, bagkus lumayo ito at umalis.

"Anong nangyari don?" tanong ni Ivy.

Tumingin ako kay Zoe. Nakahabol ang tingin nya kay Steph. Tumayo ako at nilapitan sya.

"Congra-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung marinig kong ibinulong nya ang pangalan ni Steph. 

Walang emosyon na pinagmasdan ko sya habang nakatingin pa din sya sa nakatalikod na Steph. Maya-maya tumingin sya sakin at medyo napaatras pa.

"Na-nandyan ka pala." sabi nya. Napataas ang kilay ko.

"Kanina pa." mukhang may nangyari pa bukod sa pagse-sermon sa kanila ni Ate Gail.

"A-ah.." napakamot sya ng ulo nya.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Wa─" hindi nya naituloy ang sasabihin nya dahil nakatingin sya sa ibang direction kaya sinundan ko 'yon. Mga taga Mušḫuššu. Sila na kasi ang sunod na lalaban sa 2v2 laban sa Basilisk.

Tumingin ako kay Zoe na nagtataka. 

"Let's go girls, sa shooting contest naman tayo." pinagmasdan ko syang tumingin kanila Ate Abby. Nagbago na naman ang itsura ng mukha nya. Nilingon ko sila Ate Abby tapos ibinalik ko ang tingin kay Zoe.

Kagat-kagat nya ang labi nya tapos bigla nya na lang ginulo ang buhok nyang nakaipit.

"Ako ang nasa harapan mo pero sa iba ka nakatingin." malamig na sabi ko. Napatigil sya sa ginagawa nya at tumingin sakin.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon