Chapter 13

18.5K 637 239
                                    



Zoe's POV

Nakasimangot ako habang pabalik kami sa hotel. Bakit ako nakasimangot? dahil hindi man lang ako na-enjoy o nasolo man lang si Japan kahit isang minuto man lang! Dahil 'yon sa letche nyang mga kaibigan, nagmukha akong mutchacha nilang tatlo na sunod nang sunod sa kanila. Bwisit talaga.

Ngayon ay pabalik na kami sa hotel ay hindi ko pa rin nagagawang makausap si Japan dahil nagkwe-kwentuhan silang tatlo. Sila lang ata yung nag-enjoy sa paglabas namin. Hindi nga ata date ang ginagawa namin eh, gala. Kainis.

Nauna na akong pumasok sa kwarto namin ni Japan dahil nakikipagkwentuhan pa sya kanila Jayden. Agad akong sumalpak sa higaan ko at nagtalukbo ng kumot. Naiinis ako. Bahala sya dyan. Hindi ko na sya aayain pa makipag-date dahil nagdadala lang sya ng asungot. 

Kainis! Nakakainis talaga! Nasayang yung effort ko sa dinner namin. Pinaghandaan ko pa naman tapos hindi namin magagamit. Ayun kinansela ko na hindi rin naman magagamit. Nagpatulong pa naman ako sa mga seniors na gawin 'yon. Hay.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil tumunog 'yon.

"Ate Juls." sabi ko nung makita kung sino ang tumatawag.

"Sure ka bang hindi ninyo na gagamitin 'to?"  napasimangot ako.

"Hindi na po."

"Why? Sayang naman oh. Ang ganda pa naman." napabuntong hininga ako.

"Gamitin ninyo na lang po ni Ate Shiela. Salamat po sa pagtulong kahit hindi nagamit."

"Oh sige. Ikaw bahala."

Nagpaalam na ako kay Ate Juls. Tumayo ako at pumunta ng banyo para maligo. Isang oras ako nagbabad sa shower bago ko naisipan na magbihis na.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako. Napatingin sakin si Japan na nagbabasa ng libro nya habang nakasandal sa headboard. Nginitian ko sya at pumunta sa higaan ko.

Nagtalukbo agad ako ng kumot at tumalikod sa kanya. Bakit ba naiinis ako eh. First date failed. What a life. Sayang talaga yung effort ko. Two in one pa naman. Movie marathon while eating at the garden. Nag-set pa naman ako ng projector. Parang dream dinner na ang ginawa ko dahil may pa-candle light and roses petals pa, oh 'di ba? Ang ganda pero nauwi sa wala. Hays.

Pagsisisihan talaga ng bansang 'to ang ginawa nya lalo na ang asungot nyang mga kaibigan! Bwisit.

Kinabukasan. Nag-jogging ako sa tabi ng dagat. Wala pang isang oras ay pagod na akong tumakbo. Mahirap talaga tumakbo sa buhangin, parang ang bigat ng mga paa ko kada hakbang ko.

Bumalik na ako sa hotel at nakasalubong ko si Ate Juls at Ate Shiela na naglalambingan pa sa harap ng hagdanan.

"Good morning Ate Juls at Ate Shiela'" bati ko sa kanila.

"Oh ang aga ah?" ngumiti ako kay Ate Juls.

"Nag-jogging lang po."

"O nagpatanggal ng badtrip?" kumunot noo ko sa tanong ni Ate Juls. Sinikuhan sya ni Ate Shiela at sinabihan.

"Wag mo ng ipaalala, hon.'" mahinang sabi nya. Naintindihan ko agad ang tinutukoy nila.

"Hayaan ninyo na po. Okay lang 'yon." sabi ko sa kanya. Tapos na eh ano pa ba magagawa ko.

"Sa susunod na lang." sabi ni Ate Shiela.

"Wala na pong susunod dahil hindi ko na 'yon yayayain makipag-date." sabi ko at sumimangot. Natawa naman silang dalawa.

"Bakit kasi si Japan pa niyaya mong makipag-date. Matigas pa sa bato 'yon." sabi ni Ate Juls.

"Hindi ko alam. Na-curious lang siguro ako sa pagkatao nya." sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkainteresado kay Japan. Minsan lang ako maka-encounter na katulad nya.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon