Chapter 10

20.1K 601 153
                                    




Gumising ako ng maaga para makapag-jogging. Rest day namin ngayon pero feel kong mag-jogging kahit medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa training. Naghanda na ako ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng sport bra at cycling shorts with Nike shoes. Kinuha ko ang earphone ko at isinuot sa magkabilang tainga ko tsaka ako lumabas ng kwarto. Tahimik ang dorm dahil mga tulog pa ang mga tao rito pero yung kwarto nila Ate Ella at Ate Joey ay medyo may sound lang. Alam ninyo na, yung umagang almusal nila sa isa't isa.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at tumuloy na palabas ng dorm. Nag-warm up ako saglit tsaka ako nagsimulang mag-jogging habang nakikinig ng kanta sa earphone ko.

Mga ilang minuto palang ako nagjo-jog ay nakita ko ang lahat ng blue team na nagjo-jogging din katulad ko. Tinanggal ko ang earphone ko at binilisan ko ang pagtakbo ko para mahabol sila.

"Good morning blue team!" masayang bati ko sa kanila. Lahat sila napatingin sakin.

"Oh ang aga natin ah?" sabi ni Russel.

"Naisipan kong mag-jogging ngayon eh. Kayo? sama-sama pa kayong lahat ah walang absent." sagot ko sa kanya.

"Every morning sabay-sabay kaming nagjo-jogging." sagot ni Xenon.

"Training ba rin ba 'yan sa inyo ng mga seniors?" umiling silang lahat. Sabay-sabay talaga?

"Trip lang namin." nakangiting sagot ni Aj. Napatango-tango ako.

"Mabuti pa kayo sama-sama mag-jogging lamang yung mga ka-teammates ko mas gustong matulog." sabi ko at nagpout.

"Baka pagod lang sila." sabi ni Yuri.

"KJ kamo. Kayo ba hindi na pagod sa training?" tanong ko sa kanila.

"Syempre pagod din pero nakasanayan ng gawin kaya nasa routine na namin ang mag-jogging." sabi ni Jhianne.

"Tsaka walang madali sa training 'no. Jusko, ganito pala talaga kahirap mag-training dito. Buong araw nagtra-training." sabi ni Aj.

Kaya magagaling ang mga seniors dahil grabe yung pinagdaanan nila nung mga trainees palang sila rito. Tulog na lang talaga yung totoong pahinga. Yung two hours break para lang 'yon magkalaman ang tyan namin at kaonting pahinga. Buong araw talaga walang ibang gagawin kundi mag-training kaya sa gabi ay tulog agad kami pagkatapos kumain. Ano pang gagawin kung pagod na pagod na kami?

Yung ilan nga samin ay hindi kinakaya minsan at nahihimatay na lang bigla, katulad nung nangyari sakin nung nakaraang araw. Sobrang nakakapagod ang pinaggagawa namin. Hindi na ako nagtataka na hindi pa natatalo ang Dragon Empire sa mga Cup dahil sa galing nila. Masaklap lang dahil natalo sila ng Miracle last Cup.

"Kamusta naman ang training ninyo kanila Ate Ella?" tanong ko sa kanila. Naglakad-lakad na kami dahil medyo napagod na kami.

"Okay naman, nakakapagod lang." sagot ni Nikki. "Kayo?" dagdag nya.

"Same lang din pero medyo humirap pa lalo nung dumating sila Ate Scarlette. Kita ninyo naman yung pinagawa non samin 'di ba? daya nga dahil hindi pa pinapagawa sa inyo 'yon." sabi ko. Tinawanan lang ako ng mga 'to. Daya talaga, sabi nung nakaraan sila na kinabukasan pero bandang huli kami pa rin yung trinitrain nila Ate Lexie. Ang daya 'di ba?

"Wag kang mag-alala kami na raw bukas kaya nga pinaghahandaan na namin 'yon eh." sagot ni Gia.

"Kahit rest day nagtra-train pa rin kayo? grabe kayo ah." kung ako nga natutulog lang ako magdamag sa rest day, sila nagtra-training pa rin.

"Hindi 'no, nasa dorm lang din kami kapag rest day." tumango-tango ako. 

"Uy si Japan 'yon 'di ba?" sabi ni Russel. Tinignan ko naman ang tinuturo nya.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon