Chapter 23

18.7K 585 212
                                    




Zoe's POV

Hinarangan ko si Japan na hawak ngayon ang bola. Mabilis nyang drinible ang bola at sa pagdribble nya ng bola ay alam kong mag-a-ankle break sya kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Nakita ko syang napangisi at mabilis syang tumalon para itira ang bola.

"Shit." inis na sambit ko dahil isa 'yon sa posiblidad kapag lumayo ako sa kanya kapag nag-ankle break sya pero kapag hindi naman ako lumayo sa kanya ay matutumba naman ako. Wala talaga akong laban.

"Not so fast Japan!" may biglang humawak sa balikat ko at mabigat na hinila ako pababa. Pagtingin ko ay si Torey lang pala at na-block nya ang tira ni Japan. "Hindi ko hahayaan na maka-score ka na naman, Japan." sabi ni Torey kay Japan na nakaharap ngayon sa kanya.

Napasmirk lang si Japan sa kanya at mabilis na umalis. Tumingin ako kay Torey

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya dahil bigla syang sumeryoso pero napangiti rin na parang baliw. Umiling lang sya tapos tumakbo sa kabilang court. Nagtaka ako sa kinikilos nya.

"Zoe!" tumingin ako sa tumawag sakin pero mas napansin ko ang bolang papunta sakin at yung mga kalaro naming papunta rin sa pwesto ko.

Sinalo ko ang bola at takang tinignan sila. May tumapik paitaas sa bola at sinundan ko 'yon ng tingin. May mga kamay na kumuha sa bola tsaka ako nilagpasan ng taong 'yon.

Parang naman nag-slow motion sakin nung matanto ko kung sino ang taong 'yon. Bumigat ang pakiramdam ko na parang nahihirapan akong huminga. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.

Dalawang araw. Sa loob ng dalawang araw parang akong dinadaganan ng isang higante sa sobrang bigat na nararamdaman ko. Lagi akong nakakaramdam ng bigat sa pakiramdam ko kada may pinahihinayangan ako na bagay na nawala sakin pero hindi naman ganito kabigat na hanggang sa pagtulog ko ay iniisip ko pa rin sya.

Sa dalawang araw na 'yon ay hindi ako kinikibo at pinapansin ni Alexa. Sobrang ilap nya sakin at lagi akong iniiwasan. Hindi ko naman sya masisisi roon pero hindi ako sanay na wala ang prensesya nya. Nandyan nga sya pero sobrang layo naman. Nalulungkot ako at aaminin ko na nasasaktan ako pero alam kong mas nasasaktan sya kaya hinahayaan ko na lang sya.

Isang malakas na hampas sa likod ang nagpagising saking diwa. Sinong hindi magigising ang diwa kung kahoy yung hinampas sayo?!

"Putcha! masakit!" reklamo ko. Kahoy 'yon tandaan nyo hindi kamay!

"Edi nagising ka rin." nakangising sabi ni Ate Maki. Napanganga ako habang iniindian ang sakit ng likod ko.

"Panget mo." sabi ni Louise. Alam kong ngiwing ngiwi ang mukha ko dahil masakit yung hampas ng kahoy! nakabaluktot na nga ang katawan ko dahil hindi ko maidiretso, lalo lang sasakit.

"Hoy Medic Medic! hindi kinaya ni Zoe!" sigaw ni Ate Dom. Napaluhod na kasi ako sa sobrang sakit.

"Gago bakit mo kasi hinampas ng kahoy?" rinig kong tanong ni Ate Sam. Oo nga bakit ako hinampas ng kahoy? pwede naman kamay lang.

"Para mas malakas." grabe si Ate Maki, ang sakit kaya, sya kaya hampasin ko non.

"Hoy ano tutunganga lang kayo? tulungan ninyo si Zoe." sabi ni Ate Ashley. Naramdaman ko naman na may humawak sa braso ko at dahan-dahan akong inaalalayan patayo.

"Ayos ka lang?" tanong ni Torey. Nakangiwing tumango ako sa kanya. Ayos naman ako, masakit lang.

"'Yan kasi kung sino-sino ang pinag-iisip." may himig na pang-aasar ni Kiara. Hindi ko sya pinansin, pasalamat sya ay namimilipit ako sa sakit kundi ay maasar ko rin sya.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon