Zoe's POV
Wala na mas gaganda pa sa bawat dilat na mga mata ko ay si Alexa agad ang una kong makikita. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maamo nyang mukha. Gusto ko man hawakan ang mukha ni Alexa ay hindi ko magawa dahil nakaunan sya sakin.
Hinalikan ko sya sa noo nya at niyakap sya ng mahigpit. Sobrang saya sa feeling na kayakap ko ang girlfriend ko.
Napahalikgik ako. Girlfriend.
Ang saya! girlfriend ko na talaga si Alexa. Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapaniwala, kasi naman.
Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagngiti ko. Gosh, nababaliw na ako rito ang aga-aga pinapakilig ako nito ni Alexa kahit walang ginagawa.
"Zoe." napatingin ako kay Alexa. Dumilat sya at tumingin sakin. "Ang gulo mo."
Ngumiti naman ako ng alanganin. "Sorry, goodmorning. Malapit na mag-ala singko." sabi ko.
Tumango sya. Umupo sya at nag-unat. Umupo na rin ako. Tumingin ako sa kanya at ganon din sya sakin.
"Come here." umusog naman ako palapit sa kanya.
Hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Saglit lang 'yon pero nagulat pa rin ako sa ginawa nya.
Natulala ako habang nagtungo naman sya sa banyo. Napailing ako nang mahimasmasan. Tumayo na rin ako at nag-unat.
Lumabas sya ng banyo. "Uwi ko 'tong damit mo. Sa bahay na rin ako kakain. Aalis na ako." lumapit sya sakin at hinawakan ang bewang ko.
"Sunduin kita mamaya ah?"
Tumango sya. Sabay kaming lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong bahay dahil tulog pa ang mga ito. Siguro si Astra o si Silva gising na at nagjogging lang. Tamad kasi magjogging sila Minerva lalo na kapag nasa bakasyon kami.
Nasa labas kami ng bahay at nakasakay na si Alexa sa sasakyan nya.
"Aalis na ako." sabi nya. Tumango ako.
Lumapit ako sa kanya at dinampian ng halik ang mga labi nya.
"Ingat ka sa pagdrive." sabi ko.
"I will. See you later, my stupid girl." napanguso naman ako sa tawag nya. Nagpaalam ulit sya bago paandarin ang sasakyan paalis.
Tinanaw ko lang sya ng tingin hanggang sa hindi ko na makita pa ang sasakyan nya. Pumasok ako sa loob at bumalik sa kwarto.
Napansin ko ang iniwan na damit ni Alexa. Napailing ako at iniligay sa mga maduming damit ko. Dadalhin ko mamaya sa laundry shop ang mga maduduming damit ko dahil uuwi rito sila Mama bukas, baka mapagalitan pa ako.
Naging maingay ang bahay nung bandang ala siyete na ng umaga. Lumabas na rin ako ng kwarto para samahan sila. Ang aga-aga, ang iingay nila. Mabuti na lang ay maaga rin nakakaalis ang mga kapitbahay namin dahil kundi ginera na nila kami.
"Saan punta mo, Astra?" tanong ni Chi. Bihis na bihis na kasi si Astra pagkababa nya.
"Pupunta ako ng Shakers." sabi nya.
"Bakit?" kunot ang noo kong tanong.
"Gusto ng parents nya na puntahan ko ang anak nila." napatango ako. "Alis na ako." humalik sya sa noo ko bago umalis.
"Ang hirap 'no? na ma-arranged marriage ka sa taong ayaw mo." sabi ni Minerva.
"Sinabi mo pa." pang-sang ayon naman nila Chi.

BINABASA MO ANG
Melting Ice Princess 2
RomanceHinahangan ni Zoe ang Dragon Empire kaya laking tuwa ito na makapasa sya sa magtra-training sa camp. Ang goal ni Zoe ay maging magaling na player at maging number one katulad ng iniidolo nyang si Kill pero hindi nya magawang maging katulad ng iniido...