Chapter 20

19.1K 663 141
                                    



Bumalik ako sa kwarto namin ni Japan nang dumating na si Torey at sya na raw muna magbabantay kay Alexa. Nakakahiya nga dahil nadatnan nya kami ni Alexa na bigla akong hinalikan ni Alexa sa labi, smack lang 'yon pero kita sa mukha ni Torey na nagulat sya sa ginawa ni Alexa sakin. Napakamot na nga lang ako ng ulo dahil sa nakita nya.

Nakasalubong ko pabalik si Jayden na nakasimangot.

"Anong nangyari sayo Jayden?" tanong ko sa kanya.

"May pakitang tao kasi." naguluhan ako sa sinabi nya. Hindi ko na sya natanong dahil pumasok na sya sa room nila.

Pumasok na lang ako sa room namin ni Japan. Nadatnan ko sya na nagbabasa ng libro habang nakasandal sa headboard. Napatingin sya sakin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya na may ngiti sa labi. Natawa ako ng mahina nang irapan nya ako at bumalik sa pagbasa.

Lumapit ako sa kanya. Nakatingin pa din sya sa librong binabasa nya. Sana ako na lang yung libro para lagi syang nakafocus sakin. Bakit kasi ang hirap tunawin ang yelo na ito? Patulong kaya ako kay Ate Avey kung paano magpatunaw ng yelo?

Umupo ako sa kama nya at humiga. Tumingin sya sakin at sinamaan ako ng tingin pero hindi ko sya pinansin. Niyakap ko sya sa bewang nya. Inalis nya naman agad yung kamay ko sa bewang nya pero dahil makulit ako ay niyakap ko ulit sya pero mahigpit na para kung sakaling tanggalin nya hindi nya magawa. Sinamaan nya ako ng tingin nung hindi ko inalis ang kamay ko nung tinatanggal nya. Hinayaan nya na ako na yakapin sya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro nya. Dahil napagod din ako sa pag-alaga kay Alexa at pagod pa rin kahapon ay nakatulog ako habang nakayakap sa kanya.

Nagising ako na wala na si Japan na kayakap ko lang kanina dahil unan na yung pumalit sa kanya. Nasa higaan pa rin ako ni Japan at hapon na nung nagising ako. Nag-unat unat ako tsaka lumabas ng room. Pumunta ako sa room ni Alexa para icheck sya.

"Anong ginagawa nyo rito?" takang tanong ko kanila Louise kasama ang buong Red team na nasa loob ng room nila Alexa at Torey.

"Oh bakit bawal ba? nag-aalala rin kami kay Alexa 'no." sagot ni Jayden. Siga talaga 'to kahit kailan.

"Kamusta sya?" tanong ko. Lumapit ako kay Alexa.

"Okay na sya, bumaba na ang lagnat nya." sagot ni Torey. Tumango ako. Umupo ako sa tabi ni Alexa.

"Ano pala nangyari sa training?" parang kasing hindi man lang galing sa pagod ang mga 'to.

"Ayun pinatigil. Naawa samin." sagot ni Kiara. Natawa ako.

"Bakit naman? sana hindi nila ginawa 'yon." sabi ko pero nakatanggap ako ng unan kay Louise. "Hoy!" sigaw ko sa kanya.

"Purkit nakatakas ka sa training." sabi nya. Napangisi ako. Minsan lang makatakas eh.

Napatingin ako kay Japan na nakasandal sa headboard ng higaan ni Torey habang nagbabasa pa rin ng libro nya.

"Gusto ko sana magswimming ngayon sa dagat kaso nakakatamad." sabi ni Ivy at humiga sa higaan ni Torey. Bandang paanan sya ni Japan humiga.

"May two weeks na lang pala tayo rito 'no? hindi pa natin nagagawa halos lahat dito dahil sobrang lawak naman kasi ng resort nila Ate Avey." sabi ni Louise. Nasa higaan din sya ni Torey katabi ni Ivy.

"May narinig ako sa mga seniors na sa huling limang araw natin dito ay puro tayo rest days tsaka na lang daw tayo mag-training pagbalik sa camp para ma-enjoy naman natin yung bakasyon dito." sabi ni Kiara.

"Sus, matinding training na naman ang matatanggap natin pag-uwi natin 'no." sabi ko. For sure 'yon dahil limang araw rest day? sasabihin nila na pinagbigyan na nila kami magsaya kaya pahihirapan nila kami sa training.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon