Chapter 6

23.1K 717 173
                                    




"Alexa, tama na pagod na ako!" sigaw ko dahil hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng amazona. Papunta kami sa court ng Red Team, tutal doon ako sasali dahil hindi ko nakita si Louise sa Blue Team kaya malamang nasa Red Team sya.

"Kung tumigil ka sa pagtakbo nang hindi ka mapagod!" sigaw din nya.

"Ayoko nga, sasaktan mo ako eh!"

"Buti alam mo!" hindi ba 'to napapagod? Sabagay ay isa sya sa sumunod kay Ate Gail kahapon hanggang sa makarating ng camp. Mukhang mali ang kinalaban ko.

"Ate Abby si Alexa oh!" hingal na tumago ako sa likod ni Ate Abby. Tumigil din sa pagtakbo si Alexa at naghabol hininga.

"Anong nangyari sa inyo? Bakit ngayon lang kayo huh?" tanong ni Ate Noimi. Nag-sign ako kay Ate Noimi na sandali lang dahil pagod na ako.

"'Yan kasi ang yabang mo." rinig kong sabi ni Louise. Tama nga ang hula ko na nandito sya.

"Ano bang nangyari sa inyo? At hingal na hingal kayo?" tanong ni Ate Gail.

"Si Alexa sasaktan ako." sabi ko. Sinamaan nya ako ng tingin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at napakagat labi.

"Bakit mo naman sya sasaktan Alexa?" tanong ni Ate Gail.

"Naglalandian lang silang dalawa, wag ninyo ng pansinin." sabi ni Ate Juls na kakarating lang kasama si Ate Joey.

"Yuck!" sabay na react namin ni Alexa. Natawa ang ilan samin. Putek naghabulan lang, naglandian na agad. Hindi ba pwedeng may amazonang nakatakas sa gubat ang humahabol sakin?

Pero not bad.

"Enough. Let's start na. Kayong dalawa rito ba kayo?" tanong ni Ate Abby.

"Ako rito." sabi ko at lumapit kay Louise.

"Dito rin ako Ate." sabi ni Alexa.

"Gaya-gaya." bulong ko pero dahil malakas ang pandinig ni Louise at bumabawi sya sakin, ang nangyari ay sinabi nya pa.

"Gaya-gaya ka raw, Alexa." sinamaan ko ng tingin si Louise pero may lumanding sa ulo ko ang bola.

"Hoy masakit 'yon ah!" ano akala nya sa bola, malambot para ibato sakin?

"Paki ko." sabay irap sakin. Taray nito. Napangiti na lang ako.

"Okay, okay, umpisahan na natin tutal magkakakilala na kayo. Let's play friendly game." panimula ni Ate Abby.

"Na naman?" reklamo ko.

"Oh bakit? takot kayong matalo?" nakangising sabi ni Torey.

"Duh? nakakapagod kaya ang ginawa namin." sabi ko.

"Don't worry ngayon lang ito. Welcome game lang ito sa Red team." sabi Shiela.

"Four vs four tayo dahil saktong walo kayo rito. Ang magkaka-team yung apat na butch then the rest kayo na ang magkateam." sabi ni Ate Gail.

Tumingin ako sa apat na tinutukoy nya. Napangiti ako dahil nandito pala si Japan. Ayos masisimulan ko ang plano ko.

"Dream team!" sigaw ni Jayden. Ang isa nilang kateam ay si Kiara. Pansin ko lang ang gwa-gwapong babae ng mga 'to. Required talaga rito ang may itsura.

Si Torey ay sobrang cool tignan. Matangkad sya at maputi. May brown eyes, pointed noise, at kissable lips. Mahilig ata sya sa magulong buhok dahil hindi nakaayos ang buhok nya.

Si Jayden naman ay halos magkasing tangkad lang sila ni Torey. Medyo morena si Jayden pero mukhang may lahi dahil may blue eyes sya. Ayon kay Louise ay isang manyak si Jayden at may ugaling makulit kaya palaging nagtatalo ang dalawa.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon