Chapter 48

18.3K 623 315
                                    


Alexa's POV

"Alexa isa!" inirapan ko sya at hindi pinansin. Natatawa naman yung dalawa sa tabi na mukhang enjoy na enjoy panoorin kami.

"Alexa naman kasi eh!" maktol nya.

"Tumigil ka dyan." sabi ko habang nakaduro sa kanya ang tinidor ko. "Kumain ka ng gulay. Na turingan pa naman chopsue ang ulam pero hindi ka kumakain ng gulay." napasimangot sya.

"Mas gusto ko ang atay eh. Akin na kasi yan!" tukoy nya sa huling atay na kinuha ko.

"Maiwan na namin kayo dyan huh?" sabi ni Kuya Al.

Hindi na ako sumagot lalo na pasimpleng kinukuha ni Zoe ang atay sa pinggan ko.

"Zoe!"

"Alexa please!" sabi nya. Pinilit kong wag matawa dahil napatalon sya sa gulat na akala mo nahuli sa akto. Sabagay nahuli nga naman sya.

"Tumigil ka." seryosong sabi ko.

"Damot, damot, damot!" maktol nya. Umiling lang ako. "Please.."

Napatigil ako sa pagsubo ng kanin na bigla nag-iba ang mood nya at nagpapacute pa sya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Kapag sinabi kong tumigil ka, tumigil ka." sabi ko.

"Pero..." malungkot na sabi nya habang nakatingin sa atay.

Hindi ko sya pinansin at tinuloy ang pagkain. Sya naman ang hindi tumuloy na nakatingin lang sa atay na nasa pinggan ko. Itinigil ko sa bibig ko ang tinidor at tinignan sya. Hindi nya napansin na nakatingin ako sa kanya dahil tutok na tutok sya sa atay.

Pinagmasdan ko ang mukha nya. Mula sa makapal nyang kilay papunta sa medyo mahaba nyang pilik mata pababa sa mga mata nyang dark brown pero kung hindi mo ito pagmamasdan ng matagal ay aakalin mong black ang kulay ng mga mata nya. Matangos din ang ilong nya at ang mga labi nya...

Napailing ako at umayos. Tinignan ko ulit si Zoe na hindi man lang inaalis ang tingin sa atay. Hindi talaga sya susuko?

Tinidor ko ang isang gulay at dinala sa tapat ng bibig nya. Napatingin sya don tapos sakin.

"Kumain ka ng gulay, ibibigay ko sayo ang atay." sabi ko. Sumimangot naman sya. Aba ayaw nya pa.

"Ayoko." maktol nya at lumayo pa.

"Madali lang akong kausap." sabi ko at ako na ang kumain ng gulay.

"Hindi man lang namilit." tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano ka chicks?" sabi ko. Uminom ako ng tubig.

"Gusto mo nga ako eh." napaubo ako sa sinabi nya. Agad nya naman ako binigyan ng panyo.

Sinamaan ko sya ng tingin. Napangiwi sya at tumingin sa iba. Inirapan ko ito kahit hindi nya ako nakikita.

"Tapos na akong kumain." sabi ko pagkatapos kong magpunas ng bibig at tumayo. 

Bahala sya kung gusto nyang kunin yung atay. Nawalan na ako ng gana.

Mababaw na kung mababaw pero kada sinasabi nya ang tungkol doon o mabanggit banggit nya si Japan naipapamukha nya na din sakin na kahit kailan hindi sya magiging akin. Oo, alam ko naman 'yon eh pero bawal bang umasa man lang? na kahit katiting gusto nya sakin ay umaasa ako na piliin nya din ako.

"Wait, Alexa."  pinigilan nya ako. Tumingin ako sa kamay nyang nasa braso ko tsaka ako tumingin sa mga mata nya. "Sorry." bullshit.

Sorry? sorry dahil hindi nya ako kayang piliin? sorry kung nasasaktan ako? sorry kung mas pinili nya si Japan? Damn it!

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon