Chapter 2: 1st Day of School

703 16 1
                                    

Pagpasok ko sa school ay marami ng tao. Siguro excited sila sa 1st day of school dahil matagal-tagal rin yung bakasyon. Yung iba nagkwekwentuhan, nagtatawanan, yung iba eh nagtatakbuhan.

*Classroom*

Umupo ako sa tabi ng bintana para may fresh air at dumating ang prof.

"Good morning class. We have a new transferee. Please come forward Ms. Sidario." sabi n prof.

At nagulat sila ng marinig nila ang aking surname. May nagbubulungan ng kung anu-ano. 

"Ako nga pala si Mary Jane Shinee Sidario but you can call me Jane. That's all." Pagpapakilala ko sa kanila habang nakangiti. Syempre hindi yung fake smile. Totoong smile kaya.

"Ang goondoo niya."

"Oo nga te! Tingin ko mabait siya. 'di sya kagaya ni Jaimee bitch. Haha."

"Maganda pa siya sa atin girl. Hahaha."

"Class, stop whispering. Okay? Let's start our class." Sabi ng prof.

"Aawww!" Sabi ng mga classmates ko. Nakisabay din ako sa kanila.

"Quiet class. Okay. Ahbufsvmkoohfdsafgghfsscvht."
Sabi ng prof. Naglecture lang siya at nagbigay ng requirements.

After two subjects, recess na.

Pumunta ako sa garden. Ayaw kong kumain. Wala akong gana. Nang tumingin-tingin ako sa paligid kung may tao, may nakita akong isang babae. Nakaupo sa swing. Para siyang umiiyak. I hate seeing a girl crying. Pinuntahan ko siya at umupo sa isang swing na katabi niya.

"Hmm. Hi! Bakit ka nandito? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Syempre kapwa babae tsaka nakaawa siya. Gusto ko rin siyang tulungan.

"Kasi si Jaim...*Pinunas niya ang luha niya*. Hello! Hindi ba ikaw ang anak ng may-ari ng school?" Sabi ng girl na parang nagulat nang makita ako.

"Oo. Hehehe. By the way, bakit ka umiiyak? Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ko uli.

"Ako pala si Miley. Miley Salazar. Umiiyak ako dahil trip ko lang." Sabi niya at pinilit na ngumiti.

"Trip mo lang? Grabe naman ang trip mo." Sabi ko at tumawa ng mahina. Akala ko tatawa rin siya pero tumahimik lang siya at yumuko.

"Sige tatahimik na lang ako. Baka sabihin mo kasi na pakielamera ako." Sabi ko at tumawa tapos tumahimik na kaming dalawa.

Mga ilang minuto rin naputol ang katahimikan nang nagsalita si Miley.

"Kilala mo ba kung sino si Jaimee?" Tanong niya kaya nagtaka ako.

"Hindi. Bakit? Siya ba ang rason kung bakit ka umiiyak?" Tanong ko pabalik.

"Medyo." Maiikling sagot niya. Nagtaka na naman ako. Kumunot ang noo ko at inintindi ang sagot niyang "medyo".

"Sumakit ba ang ulo mo kakaisip kung bakit 'medyo' ang sagot ko?" Tanong niya habang pinapahidan ang luha niya. Tapos tumango ako sa kanya.

"Medyo kasi pinaiyak niya ako tsaka umiiyak ako dahil galit ako sa sarili ko." Sabi niya at umupo siya nang maayos.

"Makikinig lang ako." Sabi ko at tiningnan siya ng maigi.

"Siya ang bully dito sa school na ito. Simula nang nagtransfer ako dito, binubully niya ako araw-araw. Tinitiis ko iyon dahil sanay na ako sa previous school ko. Pero sabi ko na kapag mag-uumpisa ang klase ngayong school year, eh hindi na ako magpapabully sa kanya pero kanikanina lang, nagpabully na naman ako. Kaya umiiyak ako dahil binully niya ako at umiiyak ako dahil wala akong ginawa para pigilan siya. Nagpabully lang ako." Sabi niya habang pinipigilan ang luha niya.

"Wala bang nagrereport sa kanya sa pambubully niya?" Takang tanong ko at umiling siya.

"Natatakot kasi ang ibang mga estudyante dahil sabi niya bestfriend niya daw ang may-ari. So... Bestfriend ka niya?" Sabi niya at napataas ang kaliwang kilay ko sa huling sinabi niya.

"Ahh. Sino naman ngsabi nun?" Tanong ko.

"Siya. Totoo ba?" Sagot niya.

"Ha? Eh. 'di ko siya kilala eh. Nasa states kaya ako noon.  Lahat ng friends ko nandoon sa states eh kasi minsan lang ako pumunta dito." Paliwanag ko sa kanya.

"Ahh. Ganun ba. Ano pala ang pangalan mo?" Tanong niya

"Ako si Jane. Mary Jane Shinee Sidario" sagot ko

"Ahhh. Hello nga pala." Sabi niya.

"So.. Friends?" Tanong ko sa kanya at inilahad ang kanang kamay ko.

"Why not dba? Hahahaha!" Sagot naman niya at tinanggap ang kamay ko.

"Nagugutom kaba? Halika sa canteen." Pag-aya ko sa kaniya.

"Omay lang. Mas maigi na dito. Payapa. Tsaka ayaw ko rin naman pumunta doon." Sabi niya

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Baka kasi nandoon c Jaimee. Ibubully naman niya siguro ako at ipapahiya niya lang ako sa buong school." Malungkot niyang sabi.

"Ano ka ba? Akala ko hindi ka na magpapabully sa kanya? Tsaka nandito ako noh! Ang anak ng may-ari ng school na ito. At 'di ba friends na tayo? Hahaha!" Sabi ko with matching turo sa face ko.

"Hehehe. Oo. Sige tara na nga!" Sabi niya at kinaladkad ako. Hindi obvious na gutom siya.


*Canteen*

Jaimee? Sino kaya yun at bakit niya nasabi na bestfriend ko siya eh hindi ko naman siya kilala ah. Hmmm..?

"Psst! Jane! Kanina pa kita tinatanong. Naririnig mo ba ako?" Sabi ni Miley.

Hindi ko sya sinagot at tumahimik lng ako habang siya ay nag-oorder. Hindi ko talaga matandaan. Nakakainis naman. Baka gawa-gawa niya lang na bestfriend niya ako.


"Oh! Bakit ang tahimik mo? Ang lungkot naman ng mukha mo at malalim ang iniisip mo? Parang namatayan ka." Tanong niya.

"Ahh. Wala. Tara. Umupo na tayo total tapos ka naman mag-order." Sagot ko sa kanya.

Habang tinitingnan ko ang paligid ay may napansin akong babae papalapit sa amin.

"Oh! Look who's here. The loser Miley. Hahaha!" Sabi niya at nagtawanan ang mga student dito.

"Ang init naman dito. Miley paypayan mo nga ako. Daliiii." Sabi niya ulit habang nagpapaypay gamit ang kamay niya.

"Huwag mong sundin." Mahinang sabi ko kay Miley at tumango naman siya.

"Oh?! Ano na?! Bakit hindi mo ako pinapaypayan?" Irritableng tanong niya.

Sasagot na sana si Miley naunahan ko siyang sumagot.

"Sino ka ba at kung makapag-utos ka eh parang reyna." Sabi ko.

"Hello to the world Jane! Eh best friend mo ako. Ako to si Jaimee. Hindi mo ba ako natatandaan? Hindi mo na ba natatandaan yung ganda ko?" Sabi ng babae.

"Ha? Best friend? Ikaw? Maganda? Kailan kita naging best friend at kailan ka gumanda? Wala akong maalala eh. Sa states kaya ako nagstastay noon at sa pagkakaalam ko eh hindi ako nakikipagfriends sa mga taong may bad attitude." Sabi ko sa babae at nag cross arms ako.

"Anyare sayo?" Sabi niya na nagtataka at sumalubong yung kilay niya.

"Anyare sakin? Lalo akong gumanda. At mas maganda ako sayo. Ay este maganda ako hindi kasi dapat MAS kasi di kanaman maganda eh. Walang babaeng maganda kapag may masamang ugali at ano bang pinagsasabi mong best friend kita?" Sabi ko.

Sasagot na sana siya ngunit...

*Ringgggggg!

Nagring na yung bell, it means next subject na.

"Sige Jaimee? Jaimee dba? Una na kami. At pasalamat ka eh time na." Sabi ko sa kanya.

"Salamat ha?" Pagtataray niyang sabi.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon