Chapter 60: Jane

16 2 0
                                    

*Flashback*

>Jane's POV<

"Mom, what do we do now? Alam na nila kung saan tayo nakatira. Paano kapag nalaman ni Jane na hindi niyo siya tunay na anak? Ba-baka iwan niya tayo." Rinig kong sabi ni kuya nang makarating ako sa bahay.

"Anong sinabi niyo? Hi-hindi niyo ako totoong anak?" Sabi ko kaya nagulat silang tatlo.

"A-anak, let us explain." Naiiyak na sabi ni mom. Nagsimula naman akong umiyak. Nilapitan agad ako ni kuya at niyakap.

"Jane, alam kong nasasaktan ka pero sana pakinggan mo kami." Sabi ni kuya at hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin. Umupo naman kami sa sofa at nag-usap.

"Ibinilin ka sa amin ng mga totoo mong mga magulang dahil may naghahanap sa kanila ng mga masasamang tao. Hindi namin alam kung bakit pero nabigla kami nang sabihin ng iyong ina na alagaan ka namin at kami ang magpapalaki sa iyo. Sinabi rin nila na babalikan ka nila kapag na sulosyunan na ang problema nila." Paliwanag ni mama. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Tinanggap naman kita dahil sa aking sariling kapakanan. Kamamatay lang ng babaeng anak ko na kasing edad mo lang noon. Pinagalitan ako ng dad mo dahil sa ginawa ko pero naintindihan niya rin ang nararamdaman ko." Dagdag ni mama.

"Ba-bakit hindi nila ako binalikan? Ba-bakit tuluyan nila akong iniwan?" Nauutal kong tanong. Agad naman umiyak si mom at hindi nakapagsalita.

"Pumunta kami sa Pilipinas nang malaman namin na babawiin ka nila sa amin. Napamahal ka na sa akin. Sa amin. Kaya nagmakaawa ako sa dad niyo na tumakas at tumira sa Pilipinas." Alam kong pinilit lang ni mom na tapusin ang kaniyang pagpapaliwanag. Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Inalalayan naman siya ni dad. Ang sakit-sakit. Parang hindi ako makahinga.

"Pinahanap nila ako kaya nagpalit kami ng dad niyo ng pangalan. Pinalitan din ng dad niyo ang mga pangalan niyo para hindi tayo madaling mahanap pero nagkamali kami. Si LJ ang nakahanap sa akin habang nagtatrabaho sa opisina ko. Sinasabihan ko siya na hindi ako ang babaeng hinahanap niya pero nakikita ko sa mga mata niya na sigurado siya." Dagdag ni mom at humikbi nang humikbi.

"Ba-bakit niyo nagawa 'yon? Sana man lang sinabi niyo sa akin 'to noon pa. Hindi naman ako magagalit kapag sasabihin niyo ang totoo." Tanong ko sa kanila. Bakit hindi man lang nila sinubukang sabihin sa akin. Hindi ma nila alam na may nararamdaman din ako at nasasaktan din?

"Natatakot akong mawala ka. Natatakot akong babalewalain mo kami kapag nakilala mo ang totoo mong pamilya." Sagot ni mom. Tumayo naman ako.

"Hindi ko gagawin 'yon. Sa tingin niyo ba magagawa ko 'yon? Maiiwan ko ba ang pamilyang nagpalaki sa akin?" Huling sabi ko at tumakbo paalis ng bahay. Takbo lang ako nang takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gumugulu ang isip ko at hindi ako makapag-isip nang maayos.



Biglang pumasok sa isipan ko si Leo. Tama si Leo. Kailangan ko si Leo.

Tinawagan ko siya nang ilang ulit pero hindi siya sumasagot. Huminto ako nang makarating ako sa isang parke.


Magkahalikan. 'yan ang nadatnan at nakita ko sa parke. Magkahalikan sina Leo at Jaimee. Nakita naman ako ni Leo.


"Jane! Magpapaliwanag ako." sabi ni Leo.

"Paliwanag?! Hindi na kailangan Leo. Nakita ng dalawa kong mata kung ano ang nangyari." Sabi ko at tinalikuran sila habang umiiyak. Ang sakit-sakit. Ang sakit isipin na kaibigan mo pa mismo ang tatalikod sa'yo.

"Hindi Jane! Hindi! Magpapaliwanag ako." Pagmamakaawa ni Leo.

Tinignan ko si Jaimee. Si Jaimee na ngumingiti nang nakakaloka.

"Huwag na Leo. Pagod na pagod na ako." Matamlay kong sabi.

"Magpapaliwanag nga ako. Please Jane." Pagpupumilit ni Leo.

"Tapos na tayo Leo. Hanggang dito nalang tayo." Matigas kong sabi at nagsimulang maglakad paalis.

"Jane huwag. Huwag! Nagmamakaawa ako." Umiiyak na sabi ni Leo habang nakaluhod.

"Tama na nga yan Leo! Nakita na niya eh! Sabihin mo nalang ang totoo na wala na kayo, na ako ang ma--" Huminto ako sa paglalakad at pinuntahan si Jaimee. Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sampalin ko siya.

*Paaaaaaak*

"Oo nakita ko. Eh ano ngayon? Masaya kana? Sayong-sayo na si Leo." Sabi ko at lumakad na.

Hinawakan ni Leo ang kamay ko para pigilan ako pero nabitawan parin ni Leo dahil malakas kong hinila ang kamay ko.

"Tama na Leo. Wala na tayo." sabi ko at tumakbo habang umiiyak.

Hindi ko alam kung saan na ako pupunta sa mga oras na 'to. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Ang sakit isipin na ang mga taong pinaniniwalaan mo ay sila pa mismo ang tatraydor sa'yo. Patuloy lang ako sa pagtakbo, hanggang sa may nakita akong sasakyan na papunta sa direksyon ko.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now